Relate Sa Love Story Nina Matteo At Sarah Senator Manny Pacquiao Dahil Tutol Din Ang Ina Niya Kay Jinkee

Marami sa atin ang hindi nakakaalam ng tunay na kwento ng pag-iibigan nina Sen. Manny Pacquiao at kanyang asawa na si Jinkee Pacquiao.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram




Sa love story pala ng trending couple na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ay tila nanumbalik kay Pacman ang kwento ng pag-iibigan nila ni Jinkee, sapagkat halos may pagkakapareho ang ilang detalye nito sa pinagdaanan nila noon ni Jinkee bago sila naging mag-asawa.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

Ayon sa kwento ni Sen. Manny Pacquiao ay may isang babae na nais ang kanyang ina para sa kanya na siya niyang dapat pakakasalan.

“May dapat na akong pakasalan, yun ang gusto ng mama ko, pero hindi natuloy. Nagtrato na ko sa girl, pero nagkakilala nga kami ni Jinkee, kami ang nag tuloy na magpakasal.”
Kwento pa ni Manny ay ayaw talaga ng ina niyang si Dionisia noon kay Jinkee kaya sa kanyang pamamanhikan at mismong araw ng kanilang kasal ay kanyang ate lamang ang kanyang kasama.

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

“Ayaw sa kanya ng mama ko, kaya nung magpakasal kami, e, ate ko lang ang kasama ko. Kahit sa pamamanhikan, ate ko din ang kasama ko. Wala ang pamilya ko sa kasal namin.”

Photo Credit: mannypacquiao/Instagram

“Ang pamilya lang ni Jinkee ang naroon. Kaya alam ko ang nararamdaman ngayon nina Matteo at Sarah. Ganun din ang pinagdaanan namin ni Jinkee.” Kwento pa nga ng ating Pambansang Kamao.

Ngunit ayon kay Manny, kahit ganun pa ang naging simula ng relasyon ni Jinkee at kanyang ina ay ni minsan hindi sila nagtanim ng sama ng loob sa inang si Dionisia. Bagkus ay ipinakita at pinatunayan nila rito na tama ang naging desisyon nila na magpakasal sa isa’t isa.

Ngayon ay makikita naman natin kung gaano na kalapit si Jinkee at Mommy Dionisia sa isa’t-isa, kaya naman lubos ang kasiyahan ni Sen. Manny Pacquiao sa pagiging magkasundo ng dalawang babaeng mahalaga sa kanyang buhay.




Nagbigay naman siya ng payo para sa dalawang nagmamahalan na sina Matteo at Sarah.
“Huwag na huwag silang nagtatago o magtatanim ng sama ng loob sa mga magulang nila. Lalo na si Sarah, ang ina ay ina. Anuman ang mangyari, sila at sila pa rin ang magkakasama sa kahit ano mang laban.”

“Isang araw kapag napatunayan nila na tama ang naging desisyon nila, e , lalambot na rin ang loob ng mommy si Sarah. Lalo na kapag nagka-apo na si Mommy Divine, tapos na ang laban!” ang nakangiting payo ni Pambansang Kamao para sa mag-asawa na ngayon na sina Matteo at Sarah.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *