Relo Ni KC Concepcion Nagkakahalaga Ng Php 27.1 Million

Si KC Concepcion ay isa sa mga anak ng biteranang singer/actress na si Mega Star Sharon Cuneta sa dati niyang asawa na si Gabby Concepcion na isa ring sikat na aktor.

Image Credit via instagram




Hindi nga naman maitatanggi na ang pamilyang pinagmulan ni KC ay pamilyang may marangyang pamumuhay kaya lumaki ang dalaga na napapalibutan ng mga mamamahaling kagamitan o ari-arian isa na dito ang mga mamahaling alahas na kanyang kinahihiligan ngayon.

Image Credit via instagram

Noon pa man ay inamin na ni KC ang kanyang pagkahilig sa mga alahas at nangongolekta siya ng mga ito, ang pagkahilig umano niya dito ay nakuha niya sa kanyang yumaong lola na si Elaine Cuneta.

Image Credit via instagram

Dahil nga sa pagkahilig sa mga alahas, maliban nga sa pangongolekta ni KC ng mga ito ay pinasok na rin niya ang pagawa at pagdidisenyo nito.

Image Credit via instagram

Taong 2008 ng nagbukas ang kanyang kauna-unahang jewelry brand si KC at ito ay ang Avec-Moi kung saan ay may 26-piece collection na ang ginawa niyang inspirasyon ay ang paborito niya ng bulaklak na rosas.

Hindi nga maipagkakaila ang pagkahilig ng dalaga sa mga jewelry o alahas dahil sa tuwina ay may ibinabahagi siyang larawan sa kanyang Instagram na kung saan ay pinakita niya ang kanyang mga koleksyong alahas kabilang na sa mga ito ang ibinigay na pamana sa kanya ng kanyang Mamita Elaine.

Isa nga sa nag mangha sa mga netizens na talagang naging usap-usapan sa social media ay ang ibinahagi niyang larawan ng isang relo noong August 3, 2018.
May isang netizens pa ang nag komento na “the most expensive watch i’ve ever seen in a Filipino Celebrity.”

Ang larawan na ito na talagang pinag-usapan ng marami ay ang larawan na kung saan nakasuot si KC ng isang diamond watch. Isa sa mga followers ang nagsabi na ang relo suot ng dalaga ay Lady Nuit des Papillons Watch na mula sa French brand Van Cleef & Arpels.

Ang nasabing 33-millimeter diamond watch na suot ng dalagang si KC Concepcion ay gawa mula sa white golds na may batong sapphire at mga bilugang dyamante.




Nakakalula nga naman talaga ang presyo ng diamond watch na ito ni KC Concepcion dahil ayon sa mga netizens sa kanipang kalkulasyon ang presyo ng relo na ito ay aabot sa Php 21,754,600 halaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *