Restaurant Business Ng Aktres Na Si Dimples Romana Sa Singapore Bukas Na Sa Publiko

Pagdating sa pagiging masinop sa pera at wais sa paggamit ng perang kanyang kinikita ay isa nga ang ‘Huwag Kang Mangamba’ star na si Dimples Romana ang talaga namang hinahangaan ng marami.




Ilang beses na ngang pinatunayan ng aktres ang kanyang pagiging wais pagdating sa paggamit ng perang kinita niya, kung saan ang mga ito nga ay madalas niyang inilalagay sa investment na alam niyang mapakikinabangan ng kanyang buong pamilya, kagaya na nga lamang ng naging investment niyang farm.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

At nito nga lamang nakaraan, ay muling pinahanga ni Dimples ang publiko sa kanyang pagiging isang masinop, nagsisipag at pagsisikap sa buhay, dahil sa isa na naman nga sa kanyang pinapangarap sa buhay ang kanyang nabigyan ng katuparan.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Maliban nga sa mga negosyong naipundar ni Dimples sa Pilipinas, at sinubukan na nga rin ng Kapamilya actress na magtayo ng negosyo sa ibang bansa. At ito nga ay ang kanyang restaurant business na kamakailan nga lamang ay nagbukas na sa bansang Singapore.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Noon ngang ika-28 ng Abril, ay masayang ibinahagi ni Dimples sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang naging opening week ng kanyang restaurant sa Singapore, kung saan ito nga ay pinangalanan niyang “Alergia”.

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Makikita nga ang ilang mga larawan na kuha sa naging pagbubukas ng kanyang restaurant, at kalakip pa nga nito ay ang naging caption ng aktres na; “The past weeks been a blast as our Team Alegria in Singapore has been experienced and enjoyed blocks and our fellow Filipinos – the food , the ambiance, the drinks.”

Photo Credit: dimplesromana/Instagram

Ayon nga sa naging caption ni Dimple, ay talagang ma-e-enjoy ng maraming mga naninirahan sa bansang Singapore ibang lahi o kapwa mga Pilipino man natin na naroroon ang mga masasarap na pagkain na ini-ooffer ng kanyang restaurant. Maliban pa nga dito ay napakaganda rin ng ambiance ng naturang lugar, kaya naman siguradong nakaka-relaks itong puntahan.

Ang mga pagkain ng ang inihain sa bagong restaurant business na ito ni Dimples ay mga non-traditional Latin-American cuisines. Makikita rin sa naging IG post ni Dimples ang naging pasasalamat niya sa lahat ng nagtungo sa naging opening ng ‘Alergia’, kung saan ay talaga nga namang dinagsa ng maraming tao ang naging pagbubukas nito.

“A BIG THANK you to everyone who keeps sending us and tagging us their photos, videos of their food and dining experience. You guys are the best!!!!!” Ibinahagi rin ng 36-taong gulang na aktres na ang kanilang restaurant ay matatagpuan sa 18 Teck Lim Road, Singapore at bukas mula araw ng Martes hanggang Sabado.




Ipinagmamalaki rin ni Dimples na maliban nga sa magandang lugar ng kanilang restaurant, ay handa rin silang magbigay ng masarap na pagkain at magandang serbisyo sa lahat ng kanilang mga magiging customers.

Samantala, sa mga nais naman malaman ang naging journey ni Dimples sa kanyang pagiging entrepreneur mom-actress ay abangan niyo ang upcoming episode ng PUSH Bets Live, dahil doon ay iku kwento ni Dimples ang tungkol sa kanyang mga naging karanasan bilang isang negosyante, mommy at aktres.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *