Pangarap ng marami sa atin ang magkaroon ng isang maayos, malinis at organisadong kusina sa ating tahanan. At maging ang dating aktres na ngayon ay housewife ng si Rica Peralejo ay ito rin ang nais, sapagkat nais nga niyang makapaghatid ng magandang serbisyo sa kanyang pamilya, lalo na ang makapaghain ng masasarap na pagkain para sa mga ito mula sa kanyang kusina. Si Rica ay isa lamang nga sa mga ina na reyna din ng kusina.
Isa nga sa mga hakbang ng isang reyna sa kusina para maging malinis at masarap ang pagkain na ihahain niya sa kanyang pamilya, ay ang pagkakaroon ng isang kusina na hindi lamang organisado kundi kumpeleto din sa mga kagamitan at siyempre malinis.

At nito lamang ngang nakaraan ay naging agaw-pansin ang mga larawan na ibinahagi ni Rica sa kanyang social media account, kung saan ay makikita nga ang kanyang newly renovated kitchen na may wood at white na tema.

Matatandaan na unang ibinahagi ni Rica ang pagpapa-renovate niya ng kanyang kusina noong nakaraang taon sa pamamagitan ng vlog. Nang mga panahon na ‘yon ay kino-construct pa nga lamang ang bahagi na ito ng kanilang bahay, at wala pa nga itong tiles at mga cabinet.

Sa kayang social media naman ay madalas na nagbibigay update si Rica sa kanyang mga tagasubaybay kung ano na nga ba ang ‘progress’ ng ipinapagawa niyang kusina. Makikita sa bawat larawan na ibinahagi niya ang bawat pagbabago at pagiging maganda ng kanyang kitchen area, kung saan ay mas naging malawak at organisado nga ito.

Mas lalo pa ngang lumutang ang kagandahan at kalinisan ng kusina ng dating aktres dahil sa wood and white na tema nito. Mas naging malawak din ito. At masasabi nga sa naging disenyo nito na talaga namang pinag-isipan at pinagplanuhan ito ng mabuti.
Tiniyak din ni Rica na ang bagong renovate niyang kusina ay kumpleto sa kagamitan, lalo na’t gusto nga niyang maasikaso ng husto ang kanyang pamilya, lalo na sa pangangailangan ng mga ito pagdating sa pagkain. Ilan sa makikitang appliances sa kusina niya na talagang nakakatulong sa kanya ay ang water filtering system, rice cooker, air fryer at automatic coffee machine.
Halos nga lahat ng kailangan ni Rica para mapadali ang pagbibigay serbisyo niya sa kanyang pamilya pagdating sa paghahanda ng makakain ng mga ito ay nasa kanyang kusina. Ayon naman kay Rica ang isang magandang kusina ay ginagawang reyna ng kusina ang isang ilaw ng tahanan na tulad niya.
“A kitchen is a must and a great kitchen makes you a kitchen goddess”, ani Rica.
Sa ganda ng wood and white kitchen ni Rica ay panigurado ngang mas mag-e-enjoy pa siya na ipagluto ng masasarap na pagkain ang kanyang pamilya.