Richard Gomez At Lucy Torres Natuwa Sa Naging Desisyon Ng Anak Kung Saan Ito Mag-aaral

Isa sa mga pinakanakakapanabik at nakakakabang bahagi ng ating buhay ay ang pagpasok ng ating mga anak sa kolehiyo. Karamihan kasi sa atin na mga magulang ay kinakailangan pang ipadala ang mga anak sa mga malalayong lugar upang makapag kolehiyo. Kapag ikaw ay nasa probinsya, maaaring ipadala mo ang iyong anak sa siyudad upang magkaroon ng maayos na edukasyon. At kung medyo nakakaangat ka naman sa buhay, maaari mo silang ipadala sa ibang bansa para doon pag-aralin.

Photo Credit: @gomezjuliana/Instagram




Ang kolehiyo rin ang pagtuturo sa ating mga anak upang tumindig sa sarili nilang mga paa. Gayunpaman, hindi pa rin natin maiiwasan bilang magulang na mag-alala sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan sa oras na pumasok na sila sa kolehiyo. Ibinahagi ng mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez sa media na ang kanilang nag-iisang anak na si Juliana ay magkokolehiyo na. At bagamat kayang mapag-aral sa ibang bansa, pinili raw ni Juliana na mag-aral dito sa Pilipinas.

Photo Credit: @gomezjuliana/Instagram

Sa katunayan, nakapasok siya sa University of the Philippines at miyembro rin ng volleyball team ng nasabing unibersidad. Natuwa raw si Lucy sa naging desisyon ng kanilang anak ni Richard dahil dito raw sila kapwa ng nagtapos ng kanilang pag-aaral noon. Ayon kay Lucy, gusto niya raw maranasan ni Juliana ang UP. Binalikan niya rin ang mga magagandang karanasan niya sa UP. Bagama’t sa UP nakapasok, sumubok rin si Juliana sa ibang mga unibersidad katulad ng Ateneo at De La Salle University.

Photo Credit: @richardgomezinstagram/Instagram

Inamin rin ni Richard na talagang gusto nilang mag-aral sa Pilipinas si Juliana kahit na sa ibang bansa mag-aaral ang kanyang mga kaibigan. Nakadalo na rin si Juliana sa iba’t-ibang orientation sa ibang bansa ngunit alam raw ni Juliana na hindi raw ito para sa kanya.

Papayagan naman raw nila si Juliana na pumunta ng ibang bansa at mag-aral ngunit hindi muna ngayon. Maaari siguro kapag kukuha ito ng kanyang master’s degree. Isa rin sa mga rason ng mag-asawa kung bakit gusto nilang sa Pilipinas ang kanilang anak ay para magkasama pa rin sila lalo pa’t tatatlo lamang sila sa pamilya.

Photo Credit: @richardgomezinstagram/Instagram

Hindi na nga raw sila pagkakitaan dito sa Pilipinas, ano na lang kaya kapag nasa ibang bansa na si Juliana? Napagtanto rin ni Juliana na mas mainam sa Pilipinas mag-aral nang sila’y pumunta sa New York para sa isang photoshoot. Dito niya naisip na malungkot sa ibang bansa dahil baka maging kaunti na lamang ang kanyang kaibigan doon hindi katulad dito na mayroon raw siyang 20 na kaibigan.

Paalala naman ni Richard kay Juliana, huwag na raw sasali sa ibang mga organisasyon kundi sa volleyball team lamang. “It’s nice to have a cause. It’s nice to feel strongly about something, but you don’t have to fight the world. You can be loyal to your cause. You can be very passionate about it, but there are ways to fight your battles.

It doesn’t have to be in an abrasive way,” sabi pa ni Lucy. Nang tanungin naman ang mag-asawa sa unang araw ng eskwela ng kanilang anak, sinabi nitong inaya raw siya na sumama sa isang rally na talaga namang tinutulan ng mag-asawa. Sa kasalukuyan, kumuha si Juliana ng kursong Public Administration.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *