Richard Gomez Nag Harvest Ng Honey Sa Kanilang Loob Ng Bakuran

Si Richard Gomez, ay isa sa mga hinahangaang aktor sa industriya ng showbiz, hindi lang dahil sa angking galing nito sa pag-arte, kundi lalo pa dahil sa taglay nitong kagwapuhan.



Sa ngayon, ay hindi lamang bilang isang gwapo at magaling na aktor hinahangaan si Richard, dahil isa na rin siya sa mga public servant ngayon, kung saan ay hinahangaan siya ng marami, lalo na ng bayan na kanyang pinaglilingkuran.
Image Credit via YouTube
Maliban naman sa pagiging isang alkalde ng bayan ng Ormoc City, at pagbibigay ng magandang serbisyo sa nasabing lungsod, ang nakakabilib pa kay Richard Gomez ay ang pagkakaroon nito ng organic farm sa kanyang bakuran kung saan natirik ang kanyang tahanan.
Image Credit via YouTube
Ayon nga kay Richard, ay hindi lamang basta mga organic na gulay at prutas ang makikita sa kanilang bakuran, dahil sa may likurang bahagi ng kanyang tahanan ay mayroon ding honey bee farm.
Image Credit via YouTube
“We have beehives tree here. The bees are very active now,kasi maganda ‘yung araw. It’s summer, and the bees are working. Itong honey na ‘to, galing to dito sa mga beehives ko”, ani ni Richard.
Image Credit via YouTube
Kwento pa ni Richard, ang ‘Precious Honey’ na mismong harvest sa kanilang beehives farm, ang madalas na pinangreregalo ng kanyang asawang si Lucy sa mga kaibigan at kakilala nito.
Image Credit via YouTube
Sa kanya ngang YouTube channel, ay bahagi ni Richard ang sunod-sunod na pagproseso ng pagha-harvesting honey, at ito ay sa tulong ng kanyang mga beekeeper na sina Maricris at Gerhard.
Image Credit via YouTube
Makikita nga sa naturang video, na ang unang ginawa ni Gerhard sa pagkuha ng mga honeycomb ay gumamit muna ito ng smoker, kung saan ayon kay Richard ginagamit ito upang hind imaging aggressive ang mga bees.
Image Credit via YouTube
Pagkatapos nga na makuha ni Gerhard ang honeycomb, ang sinimulan na nila itong i-uncup, para sa kanilang sisimulang extraction, kung saan ay gumagamit sila ng centrifugal extractor, upang hindi masira ang mga honeycomb.
Image Credit via YouTube
Upang malaman naman ang water content ng honey, kung ito ba ay puro o hindi, ay ginamitan ito ng refractometer.
Pagkatapos ng nito, ay ilalagay na ang mga honey sa mga sterilized bottle, ngunit bago nila ito ginawa ay sinala muna nila ito upang maalis ang mga impurities nito na nakuha mula honeycomb.



Matapos nga ang nasabing proseso, ay ipinakita na ni Richard ang finish product nila.
Ang naging finish product ay nakalagay sa isang box, na kung saan ayon kay Richard ay ang kanyang asawa mismo na si Lucy ang nagdisenyo nito.Mayroon din umanong sweet note na makikita sa loob nito.
Video Credit: richard gomez/YouTube
https://www.youtube.com/watch?time_continue=301&v=1eE71g70XXQ&feature=emb_logo
Ano ng aba ang masasabi niyo sa beehives farm ni Richard Gomez? Nais niyo rin bang matutunan ang pag-haharvest ng honey, panoorin niyo na sa YouTube channel niya kung paano.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *