Richard Gomez Napa Comment Matapos Makita Ang Larawan Ng Asawang Si Lucy Torres Na Nakasuot Ng Blue One-Piece Swimsuit

Maraming mga netizens ang humanga sa napakaganda at seksing larawan ni Lucy Torres ng ibahagi niya ang larawan niya kung saan siya ay nakasuot ng kulay asul na swimsuit. At maliban pa nga sa paghanga ay kinilig rin ang mga ito ng makita nila ang naging komento ng asawa nito na si Ormoc City Mayor Richard Gomez.




Matatandaan nga na noong ika-24 ng Nobyembre 2020, ay nagbahagi ang 45-taong gulang na kongresista na si Lucy Torres ng kanyang larawan habang siya nga ay solo at nagre-relaks sa may dalampasigan.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Makikita nga sa larawan na ito ni Lucy Torres, na siya ay nakasuot ng kulay asul na one-piece swimsuit na tinernuhan niya ng pearl necklace, kaya naman litaw na litaw ang kanyang angking ganda at kaseksihan.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Ang larawan ngang ito ni Lucy, ay nilakipan niya ng caption na ”A summer in November.”
Marami naman sa nakakita ng nakamamangha na larawan na ito ng kongresista ang hindi napigilan na magbigay ng komento, dahil sa talagang kahanga-hanga at kapuri-puri ang taglay na ganda at kaseksihan nito sa nasabing larawan.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Ilan nga sa mga makikitang nagkomento na pumuri kay Lucy, ay ang mga kaibigan niyang celebrity tulad na lamang ni Iza Calzado, stylist na si Liz Uy , ang entrepreneur -author na si Rizza Mananquil -Trillo, at ang dermatologist doctor celebrity na si Dra. Vicky Belo.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Ngunit, ang mas naging agaw-pansin na komento, na makikita sa comment box, ay ang naging komento ng 54-taong gulang na asawa ng kongresista, na si Ormoc City Mayor Richard Gomez, kung saan ay isang pilyo ngunit nakakakilig ang komento nito.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

“On my way home, honey”, ang naging komento nga ni Richard, na agad namang ni-reply ni Lucy ng “hahahaha Uli na Dong.”

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Kinilig nga ang mga netizens ng makita ang palitan na mensahe na ito ng mag-asawa.
Samantala, kilala ang mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez, bilang isa sa mga mag-asawang celebrity couple,




na lantarang ipinapakita sa social media ang pagmamahal at pagiging “sweet” nila sa isa’t isa, kung saan ay uwing may kaarawan nga ang isa sa kanilang mag-asawa, ay makikita ang madalas na pagbabahagi nila ng sweet na mensahe, at mas lalo pa nga sa tuwing silang mag-asawa ay nagse-celebrate ng kanilang anibersaryo.

Photo Credit: lucytgomez/Instagram

Ang mag-asawang Lucy Torres at Richard Gomez, ay ikinasal sa Sts. Peter and Parich Chrurch sa Ormoc noong ika-28 ng Abril taong 1998. At isinilang naman ni Lucy ang kanilang nag-iisang anak na si Juliana Gomez, noong ika-8 ng Setyembre taong 2000.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *