Richard Gutierrez Ibinahagi Ang Paraan Sa Pagdidisiplina Sa Kanyang Mga Anak

Ang pagdidisiplina ng anak ay isa sa mga obligasyon ng isang magulang na hindi madali dahil isa ito sa magiging batayan kung ano ang magiging personalidad ng iyong anak sa kanyang paglaki.

Image Credit via Google




Minsan hindi maiiwasan na sa labis na pagdidisiplina ay nagkakaroon ito ng masamang epekto sa ating mga anak kaya’t ang iba sa kanila ay naging suwail, pag nasobrahan naman sa luwang ang mga magulang ay nagiging spoiled naman ang mga anak kaya’t ang pagdidisiplina ay sadyang hindi madali.

Image Credit via Google

Nais nating mga magulang na maging maayos ang ating mga anak sa kanyang paglaki at magkaroon ng mabuting personalidad kaya ginawa natin ang lahat upang sila ay madesiplina ng naaayon sa ating kakayahan at kaalaman na ito ay makakabuti sa kanila.

Image Credit via Google

Ang aktor na si Richard Gutierrez ay isa sa mga aktor na ngayon ay isa ng Daddy, dahil sila ng kanyang nobya na si sarah Lahbati ay pinagkalooban ng Diyos ng isang gwapong gwapong anak na si Zion.

Bilang isang Daddy na ay alam ng aktor ang kanyang responsibilidad na disiplinahin ang kanyang anak na si Zion at ayon sa kanya ay sakto lamang ang ginagawa niya ng pagdidisiplina sa kanyang anak dahil gusto niyang maging balanse sa pagpapalaki nila rito katulad ng ginawang pagpapalaki sa kanya noon ng kanyang ama na si Eddie Gutierrez.

Image Credit via Google

Ayon kay Richards ay “Relaks” lang ang kanyang ama sa pagpapalaki sa kanila noon, ngunit kapag may mga pagkakataon na raw na nakakagawa sila ng mga bagay na hindi maganda para rito at sumosobra na sila ay dito na sila dinidisiplina ng kanyang ama.

Image Credit via Google

Sinabi rin ng aktor na nais niyang lumaki ang kanyang anak na hinahanap nito ang bagay at nais nito sa kanyang paglaki. Sa araw-araw din umano na kasama niya ang kanyang anak ay mas lalo niyang natutunan kung paano ang maging isang mabuting ama at mas nadadagdagan ang kanyang kaalaman sa pagiging isang magulang.

Image Credit via Google

Para rin sa aktor ay ang pagiging isang ama kay Zion ang kanyang pangunahing prayoridad sa ngayon kaya’t kapag wala siyang ginagawa o trabaho ay ibinubuhos niya ang kanyang oras at panahon sa na makasama ang kanyang mag-ina.




Ang pagiging magulang din umano ang mas lalong nagpatibay sa kanilang relasyon ng kanyang asawa na si Sarah Lahbati Sinabi rin ng aktor na ang pagiging isang ama ay habang buhay na pag-aaral lalong-lalo na kung nais mong maging isang mabuting ama na gustong mapalaki ang iyong anak na maayos at may kanais-nais na personalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *