Richard Yap Ipinasilip Ang Magagarang Sasakyan At Napakalaking Bahay

Marami na ngayon sa mga hinahangaan at iniidolo nating celebrity ang maliban sa pag-arte sa telebisyon ay kinakarir na din ang pagiging isang vlogger sa Youtube. Katulad na lamang ng aktor na si Richard Yap o mas nakilala ng marami bilang si Sir Chief sa teleserye noon na ‘Be Careful With My Heart.’




Hindi na nga lamang ang pagiging isang aktor ngayon ang pinagkakaabalahan ni Richard Yap, dahil pinasok na rin nga niya ang mundo ng vlogging, kung saan ngayon nga ay mayroon na siyang sarili niyang YouTube channel.

Image Credit via Google

Mas naging malapit pa nga si Richard sa kanyang mga tagahanga magmula ng pasukin niya ang vlogging, ito ay dahil sa kanyang YouTube channel ay mas naipapakita nga niya ang ilan sa kanyang personal na buhay. Halimbawa nga nito, ay ng ipasilip niya sa kanyang vlog kamakailan lamang ang kanyang mala-mansyong tahanan at maging ang magagara niyang sasakyan, na labis ngang ikinamangha ng kanyang mga fans.

Image Credit via Google

Sa house tour vlog na ginawa ni Richard ay ipinasyal nga niya ang kanyang mga tagasubaybay sa loob at labas ng kanyang magarang tahanan na ang tema ay modern-minimalist. Talaga namang napaka-classy tingnan ng tahanan na ito ng aktor dahil sa kulay nitong itim at puti.

Image Credit via Google

Makikita kaagad sa labas ng tahanan ng aktor ang napakagandang disenyo ng kanyang tahanan. Sa parking area nito ay agad ring mapapansin ang sunod-sunod na mga magagarang sasakyan na naka-park.

Image Credit via Google

Samantala, pagpasok naman sa loob ng tahanan na ito ni Richard ay mapapansin nga agad ang isang malaking paiting, kasunod nito ay makikita na nga nga magagandang kagamitan dito. Agaw-pansin rin ang magarang chandelier at ang sofa sa living area na talaga namang napaka-elegante. Hahangaan din ang high ceiling sa living area ng aktor, na mas nagbigay nga ng aliwalas sa bahagi na ito ng kanyang tahanan.

Image Credit via Google

Pagdating naman sa kusina, ay kamamanghaan ang kumpletong mga kagamitan, at ang pagiging organisado ng lahat ng mga bagay na nakikita rito. Ipinakita rin ng aktor ang kanilang dining area na may black at white na tema rin.




Dahil isa rin si Richard sa mga personalidad sa showbiz na labis na pinahahalagahan ang kanyang kalusugan ay hindi maaring mawala ang gym area sa loob ng kanyang tahanan, kaya naman ipinasilip din ng aktor ang kanyang gym kung saan dito nga makikita ang mga kagamitan na ginagamit niya sa pag-e-ehersisyo. Tunay ngang napakaganda ng tahanan na ito ni Richard Yap, at marahil marami naman sa mga tagasubaybay niya ang nakakuha ng ideya sa kung papaano mas pagagandahin din ang kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *