Ritz Azul Masayang Kasama Ang Boyfriend Na Nagdiwang Ng Kanyang Ika-27th Birthday

Nito lamanng ika-11 ng Enero 2021, araw ng Lunes, ay nagdiwang na ng kanyang ika-27th taong kaarawan ang isa sa mga iniidolong aktres ngayon na si Ritz Azul.




Ang naging selebrasyon nga ng nasabing kaarawan na ito ng aktres ay isang masaya at magarbo, na kung saan ay isang Mexican-themed birthday party ang naging ganap, at ang mismong nag-asikaso at nag-organized ng napakagandang birthday celebration na ito, ay ang non-showbiz fiancé ni Ritz na si Allan Guy.

Photo Credit: ritzazul/Instagram

Ilang mga malalapit na kaibigan naman ni Ritz at kanyang mga kapamilya, ang dumalo sa pagdiriwang na ito ng kaarawan ng aktres.

Photo Credit: ritzazul/Instagram

Sa Instagram ng aktres, ay makikita ang kanyang naging mensahe para sa karagdagang taon ng kanyang buhay na ipinagkaloob muli sa kanya ng Poong Maykapal.

Photo Credit: ritzazul/Instagram

“Loved. Blessed. Thank God for my family, my fiancé @allan_guwi, friends, supporters, and for everything! To God be the glory. This year will be big and brighter. So excited!!!!”, ang naging mensahe nga ni Ritz sa kanyang IG post.

Photo Credit: ritzazul/Instagram

Sa hiwalay na post naman ng aktres, ay ibinahagi naman nito ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tao na bumuo at dumalo sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, lalo na nga sa kanyang fiancé na si Allan, na nanguna sa pag-organisa ng nasabing selebrasyon.

Photo Credit: ritzazul/Instagram

“Appreciation post for my guy. Thank you so much for always making me feel special, @allan_guwi. You really know how to make me laugh and cry at the same time. I love you so much!”

Photo Credit: ritzazul/Instagram

Makikita naman sa Instagram ng fiancé ni Ritz na si Allan, ang pagbabahagi nito ng kanyang mensahe para sa kanyang kasintahang aktres.

Photo Credit: ritzazul/Instagram

“On this day, a queen was born. My Queen! Feliz Cumpleaňos @ritzazul. I love you so much! Thank you for everything. You deserve to be happy for you’re such a nice and humble person I’ll always be here for you. More blessings to come! Wishing you good health and bright future for us”, ang naging mensahe ni Allan para kay Ritz.

Para naman kay Ritz, ay talaga namang maswerte siya sa kanyang fiancé, dahil maliban sa pagiging kasintahan, ay best of best friend niya ito.




“Well, ang masasabi ko lang I have someone I can lean on. Para kasing sobrang best of best friend ko siya” saad ni Ritz.

Makikita naman sa larawan nina Ritz at Allan, kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa, kaya naman talagang marami sa mga tagahanga ng aktres, ang masaya para sa buhay pag-ibig nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *