Robin Padilla Nilinis Ang Playground Ng Kanyang Mga Anak Mga Netizens Nagbigay Ng Kanilang Reaksyon

Ang isang ama ay may malaking kontribusyon sa paglaki ng kanilang mga anak, lalo na kung ang anak ay isang babae malaki ang responsibilidad ng isang ama para sila ay protektahan sa kanyang paglaki.




Bilang isang ama ay dapat mahubog mo, ang maganda at maayos na komunikasyon sa pagitan ng iyong sarili at ng anak na babae upang sa kanyang paglaki ay maging open siya sa sa kung ano man ang mga problema o tagumpay na kanyang pinagdaanan sa kanyang buhay.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

Ama rin ang nagsisilbing prinsipe ng isang anak na babae, o minsan pa nga para sa kanila ay ito ang kauna-unahan nilang prince charming na ipagtatanggol sila sa kahit na kanino man at gagawin ang lahat para sila’y protektahan at hindi masaktan.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

Tulad na lamang ng Aktor na si Robin Padilla, na ginagawa ang lahat para mabigyan ng kasiyahan ang kanyang mga anak na dalawang babae.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

Matatandaan na kamakailan lamang ay pinarenovate ng mag-asawang Mariel ang ilang bahagi ng kanilang tahanan. Ang harapang bakuran ng kanilang bahay ay ginawa niyang malaking playground na may malaking slide at iba’t ibang palaruan na karaniwang makikita sa mga playground sa subdivision o sa mga Malls.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

Ang kanilang korehidor naman ay ginawa din niyang play area, na nilagyan niya ang bawat gilid at kanto ng mga playmats sabay pinuno ng napakaraming laruan.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

Ngayon, muli namang nagpasalamat ang kanyang asawang si Mariel dahil sa ginawang paglinis ng kanyang asawa sa palaruan ng kanilang mga anak.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

Nagbahagi si Mariel ng ilang larawan ni Robin, na kung saan ay makikita itong busy sa paglilinis ng mga laruan at playground.

Photo Credit: marieltpadilla/Instagram

“Thank you, you are a good father. Cleaning the playground for Isabella…..pwede naman ipagawa na lang tapos mag Netflix ka….but you want to be the one to do it” ang caption ni Mariel sa larawan.

Dahil sa kumakalat ngayon na pandemic sa ating bansa, nais ni Robin na panatilihin at siguruhin na malinis ang palaruan ng kanyang mga anak.

Marami naman ang mga netizens na nagbigay ng kanilang samu’t saring komento patungkol sa ginawang paglilinis ng aktor sa playground ni Isabella.

“Pang tanggal bagot yan, kasi wala siyang magawa. That is just normal for dads”.
“Baka stressed siya about something kaya naglilinis. There are people who cleans lalo na pag stressed. Personal opinion lang ha..ganyan kasi ako”.




“What is the big deal? pati ba naman ito kailangan ipagsigawan sa publiko?”
“Hindi lahat ng fathers ganyan, kaya ok yan Robin.”

Nagawa namang sagutin ni Mariel ang ilang negatibong komento, at ito lang ang sinabi ng aktres. “like I said pwede siyang manood na lang ng Netflix sa aircon” saad ni Mariel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *