Roxanne Guinoo Masayang Namumuhay Kasama Ang Pamilya Matapos Iwan Ang Showbiz

Sa reality search na Star Circle Teen Quest ng ABS-CBN, nakilala si Roxanne Guinoo noong 2004. Dito rin nabuo ang tambalan nila ni Joross Gamboa, kung saan marami silang pelikula na pinagsamahan at pinagtambalan.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram




Naging real-life boyfriend din ng dating aktres ang kanyang ka love team na si Joross na tumagal ng dalawang taon mula 2004-2006.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram

Marami ring teleserye at pelikula na kasama si Roxanne katambal si Joross o ang aktor na si Jake Cuenca. Isa sa mga teleserye na naging katambal ng aktres si Jake ay ang ABS-CBN serye na “Natutulog ba ng Diyos”.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram

Sa pagkakasama sa ilang proyekto ay naging magkasintahan sa totoong buhay si Roxanne at Jake, ngunit hindi rin ito nagtagal. Nilisan din pansamantala ni Roxanne ang ABS-CBN network at nakipagsapalaran sa TV5 at GMA-7. May mga serye din na nagawa sa mga nasabing network si Roxanne, pero taong 2015 ay muli siyang bumalik sa ABS-CBN.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram

2011 ng magdesisyon ang aktres na magpakasal sa kanyang kasintahan na si Angelo Elton Yap pinsan ni Tim Yap, kung saan ito din ang taon na nagsimula ng kumikinang ang bituin ni Roxanne sa industriya ng showbiz.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram

Ng magpakasal ang aktres ay siya ay 24-taong gulang palang at ang kanyang asawa naman ay 21 taon lamang noon.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram

Marami sa kanyang mga tagahanga at mga netizens ang nakapansin na mas gumanda ang aktres ng siya ay magka-asawa at maging isang ina. Ngayon ay may tatlong anak na si Roxanne at kanyang asawang si Angelo ito ay sina Sophia, Reine at Rally.

Photo Credit via roxanneguinoo/Instagram

Sa mga ibinabahaging larawan ni Roxanne sa kanyang social media account, ay nakikita ng kanyang mga tagahanga na maganda ang buhay na kinalalagyan ngayon ng aktres. May mga larawan na makikita ang masayang nag tatravel ang pamilya sa iba’t ibang lugar.

May mga pagkakataon din na nagpapa-unlak ang aktres ng Tv guesting sa ABS-CBN, isa sa mga ito ay ng mag guest siya sa Magandang Buhay at muling lumabas sa Maalaala Mo Kaya kasama si Joross Gamboa.

Para nga sa mga tagahanga ni Roxanne at mga netizens ay hindi nagkamali ang dating aktres sa kanyang desisyon na iwanan ang industriya ng showbiz at mamuhay ng simple kasama ang kanyang asawa at mga anak dahil nakikita nila na masaya si Roxanne sa buhay na pinili niya.




Para sa ibang celebrities nga na iniwan ang showbiz ay hindi ang katanyagan at kasikatan ang nakapagbibigay sa kanila ng masayang buhay. Kundi ang pamumuhay ng simple at malayo sa spotlight, kasama ang pamilya ang totoong nakakapagpasaya sa kanila.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *