Rufa Mae Quinto Ipinasilip Ang Bagong Itsura Ng Kanilang Ancestral House

Isa si Ruffa Mae Quinto na kilalang magaling na actress-comedian.Ilan sa kanyang mga naging proyekto at pelikula ay ang Booba (2001), Super B (2002) at ang Masakit sa Dibdib (2004), kung saan ay nagbibigay ng saya at aliw sa mga taong nakapanood nito dahil sa angking galing niya sa pagpapatawa.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

 




Kamakailan nga sa kanyang instagram account ay ibinahagi ni Ruffa ang mga ilang larawan na kuha sa kanilang lumang bahay na kanyang pinaparenovate ngayon. Makikita ang larawan ng kanyang silid at ang nagawa niyang walk-in closet.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Ayon sa comedian-actress ang bahay na ito na matatagpuan sa Cubao, Quezon city, ay isang ancestral home kung saan siya ay lumaki sa pangangalaga ng kanyang Lola Lucing na tinatawag ning Mama. Nabanggit din ni Ruffa na dito siya nakatira noong mga panahon na siya ay dalaga pa.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Minsan na nga daw nawala kay Ruffa ang bahay na ito ng ibenta ito ng kanyang Lola Lucing sa tiyahin ni Ruffa, ngunit taong 2000 ng ng mabili naman niya ang bahay sa kanyang auntie.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Para kay Ruffa ay para sa kanya talaga ang bahay na iyon, na sadyang ibinalik ni Lord ang bahay na kanyang kinalakihan na kung saan ayon kay Ruffa ay doon rin lumaki at naninirahan ang kanyang ama noong mga panahong 1969-1970.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Ngayon nga, ay sinimulan na ni Ruffa na ipaayos at iparenovate ang kanilang old house upang maging isang Modern American Style Home, at habang ginagawa at nasa proseso ang pagrerenovate ay hindi naman lubos maisip ni Ruffa ang saya na kanyang nararamdaman.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

Ayon kay Ruffa ay 10 taon ang kanyang naging paghahanda upang matupad niya ang kanyang pangarap na bahay para sa kanyang ancestral house.

Photo Credit: rufamaequinto/Instagram

May passion din si Ruffa sap ag-aayos ng interior ng bahay, dahil ayon sa kanya lumaki siya na palipat-lipat ng bahay dahil nga maraming bahay ang Lola Lucing niya.

Sariling pag-aaral sa interior designing ang ginagawa ni Ruffa, searching online at pagpapractice ang ilan sa kanyang ginawa. Nagbabasa sin siya ng mga magazine at libro na tungkol sa Interior Designing.

Hilig din niya ang magpunta sa mga Department store kung saan makikita ang mga furnitures, mga gamit sa kusina at area kung saan makikita ang mga gamit sa comfort room.

Ibinahagi rin ni Ruffa na meron silang business na build-and-sell real-estate kung saan business partner niya ang kanyang kapatid na si Archie, na isang arkitekto.

Ang ipinaparenovate niyang ancestral home ay tinatayang matatapos sa taong 2020 mga buwan ng Enero o Febrero. Kasabay ng kanyang pag paparenovate ng bahay, ay plano ring bumili nina Ruffa at ng kanyang asawa ng bahay sa California. Kung saan ang asawa ni Ruffa ang nag-aasikaso ng pagbili nito.




Kaya sa ngayon ay dalawang bahay ang inaasikaso ni Ruffa Mae na kung saan ginagamit niya ang kanyang hilig sa interior designing. Excited na nga ang aktres sa mga bagong tahanan nila ng kanilang pamilya sa susunod ng taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *