Ruffa Gutierrez Ibinahagi Ang Naging Pag-Kontra Sa Pagbili Ng Mga Anak Ng Pusa Na Nagkakahalaga Ng P300,000

Kamakailan lamang sa isang episode ng Reyna ng Tahanan ng noontime show na It’s Showtime ay natanong ang mga huradong sina Janice de Belen, Ruffa Gutierrez at Amy Perez tungkol sa bagay na gusto ng kanilang mga anak ngunit hindi nila nagustuhan bilang isang magulang.




Dito na naibahagi ng actress-beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang patungkol sa isang bagay na gustong ng kanyang mga anak na labis niyang ikinabigla dahil ayon nga sa kanya ay hindi biro ang presyo nito at hindi praktikal lalo na sa panahon ngayon.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Ayon kay Ruffa nais ng kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin Bektas na bumili ng isang pusa na nagkakahalaga nga ng P300,000 kaya naman talagang nabigla siya.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

“Ang gusto talaga ni Venice at Lorin bumili ako ng pusa. Eh yung pusa na gusto nila ay 300 thousand (p𝔢sos). Sabi ko, kumuha nalang tayo sa kalye ng pusa at alagaan”, pagbabahagi ni Ruffa.

Photo Credit: iloveruffag/Instagram

Nang sabihin nga ito ng kanyang mga anak, ay hindi napigil ni Ruffa ang mabigla, lalo na’t napakamahal naman talaga ng pusa na gusto ng mga ito. Sinabi nga niya sa kanyang mga anak na sa panahon ngayon ‘yung halaga ng pusa na nais ng mga ito ay may pwede pang magastusan na mas mahalaga.

Dagdag pa niya mayroon siyang alagang dalawang golden retriever, baka mamaya ay makain pa ang pusang napakamahal ng halaga, eh di nasayang pa ang P300,000.
“Meron akong dalawang golden retrievers baka mamaya kainin pa ng aso yung pusa, so kumusta naman yung 300 tho𝔲sand?”

“Sabi ko yung 300 tho𝔲sand marami ng pwedeng g𝔞stusan yan especially during p𝔞ndemic diba? Eh yun talaga yung gusto nila, yung pusang mal𝔞king mata na very furry.”

Sa kasalukuyan ay ‘single’ ngayon si Ruffa Gutierrez at wala munang planong pumasok sa isang relasyon. Ayon sa aktres, kung papasok man siya muli sa relasyon at iibig ngang muli ay nais niyang masigurado na ito na ang taong makakasama niya habang-buhay dahil sa malapit na nga siyang tumuntong sa edad na 50.

Matatandaan na noong nakaraang taong 2020 lamang ay kinumpirma ni Ruffa na hiwalay na sila ng businessman na si Jordan Mouyal, isang French-Israeli.




Ikinasal na rin noon si Ruffa sa kanya ngang ex-husband na Turkish Businessman na si Yilmaz Bektas, kung saan ito nga ang ama ng kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin. Ang pagsasama nilang mag-asawa ay tumagal ng apat na taon matapos nilang maghiwalay noong taong 2007.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *