Ruffa Mae Quinto Nakamit Na Ang Pinapangarap Na Bahay

Lahat tayo ay nangangarap na magkaroon ng sarili nating bahay, kaya naman marami sa atin ang pagpupursige upang makamtan ang pangarap na ito. Iba-iba rin ang mga ideya natin pag dating sa pagkakaroon ng bahay, may iba na ang nais ay simple ngunit eleganteng bahay may ilan naman na ang nais ay bahay na bongga at ang magsasabi ng personalidad na mayroon sila.

Image Credit via Google




Kaya ang ilan ay talagang naglalaan ng oras at panahon upang matutukan ang pagdidisenyo at pag-aayos ng kanilang bahay, kagaya na lamang ng kilala nating comedian actress na si Ruffa Mae Quinto.

Image Credit via Google

Si Ruffa Mae Quinto Mae Quinto Magallanes ay isa sa mga kilalang Pinay actress, host, occasional singer at komedyante. Sa That’s Entertainment unang nakita at lumabas ang aktres at dito na nga nagsimula ang kanyang karera sa industriya.

 

Ilan sa kanyang mga naging ka-link at manliligaw noon sa industriya ay sina Dingdong Avanzado na isang song-writer politician at ang singer na si Erik Santos.
Nagpakasal ang actress/comedian noong November 25, 2016 sa Quezon City sa kanyang matagal ng Fiance na si Trevor Magallanes, isang financial analyst.

Image Credit via Google

Ang dalawa ay nagkakilala sa United States, sa pang limang beses na pumasyal doon ang actress/comedian. February 18, 2017 naman ng isilang si Ruffa ang kanilang unang anak na babae na pinangalanan nilang Athena.

Image Credit via Google

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Ruffa ang muling pasilip sa kanyang bagong bahay na napakaganda, napaka elegante at talagang yayamanin ang pagkaka-ayos at pagkakadisenyo. Marami nga naman ang talagang namangha sa ganda ng pagkaka-ayos ng bahay, maging ang mga kagamitan at palamuti sa loob ng bahay ay talagang hahanhaan ng sinuman na makakapasok rito.

Ang kanyang post na ito sa ay may caption na “My New Home….Amen”, ibinahagi din niya na dalawang ang bahay na inaasikaso niya, dahil maliban dito sa Pilipinas ay may bahay pa silang ipinapa-ayos sa Amerika.

“Dalawa bahay na inaayos ko, sa Pinas at sa Amerika!” ayon pa sa komedyante.
Para rin kay Ruffa ay kahit LDR ang relasyon nila ng kanyang asawa ay sulit naman daw ito sapagkat natutupad nila ang mga kanilang mga pangarap higit ang pangarap nila para kay Athena.

“Todo na go guysh! Diba? (Ako na ang busy) Worth it ang aming LDR! Kasi ito yung reason kung bakit kami nagsusumikap para sa anak naming si @alexandriamagallanes namin @trevssilog! Oo struggle kami pero mag Queen Elsa room na si Athena soon. So happiness na din kami! Unti-unting nakakamit mga pangarap. Go Go Go! Todo na to!”

Dahil nga sa kakaibang ganda ng kanyang bahay, ay umani ito ng napakaraming magaganda at pagkamangha ng komento at reaksyon sa social media. Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens.




“Ang ganda” “I love your house super classy and modern @ruffamaequinto”
“Grand sobra mo naman kagandahan” ” Ang ganda ng loob ng bahay mo, parang showroom”
Talaga nga namang napakaganda ng bagong bahay na ito ni Ruffa Mae, Congrats Ruffa! God bless your New Home!.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *