Ruru Madrid Namangha At Nagkomento Sa Napakagandang Larawan Ni Bianca Umali

Hindi nga maikakaila na isa sa may pinakamagagandang mukha na mga “young Kapuso actress” ngayon ay ang 20-taong gulang na si Biaca Umali. At siya rin ang “humored” girlfriend ng 23-taong gulang na Kapuso aktor na si Ruru Madrid.




“Humored”, ito ay dahil sa kabila ng pagiging expressive sa social media ni Ruru sa mga papuri niya kay Bianca, ay tikom pa rin ang bibig nilang dalawa ng kapuso aktres, sa kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon nila.

Photo Credit: bianxa/Instagram

Samantala, tila hind inga mapigilan ni Ruru Madrid, ang ilabas ang kanyang paghanga at magbigay papuri sa kanyang humored girlfriend na s Bianca Umali, dahil makikita na sa bawat post ni Bianca, ay lagging may komento ng papuri ang 23-taong gulang na Kapuso star.

Photo Credit: bianxa/Instagram

Makikita sa Instagram account ni Bianca Umali, na ang kadalasan nitong ibinabahagi na mga larawan ay mga close-ups glamour shots. At ito nga ay madalas nan a hinahangaan ng marami dahil sa kanyang taglayna ganda, at kabilang na nga sa talagang humahanga, at pumupuri sa aktres ay si Ruru Madrid.

Photo Credit: bianxa/Instagram

Kabilang nga sa mga madalas na ikomento sa mga larawan ni Bianca Umali ay ang mga, “Perfection, I’m sure you’re the epitome of beauty”, “I could stare at you forever”, “B, your perfect” at “Ganda mo, sobra.”

Photo Credit: bianxa/Instagram

Dahil nga sa madalas na pagbibigay ni Ruru Madrid ng mga komento ng papuri kay Bianca Umali, ay naging tampulan na ito ng tukso.

Photo Credit: rurumadrid/Instagram

Matatandaan, na mahigit dalawang taon na ng maugnay sina Ruru Madrid at Bianca Umali sa isa’t isa. At kahit pa nga ba nabibisto na ng ilang mga netizens ang kanilang ugnayan, ay tila desidido sina Ruru at Bianca na gawin munang pribado kung ano man ang namamagitan sa kanila.

Photo Credit: rurumadrid/Instagram

At patunay nito ay ang naging kaganapan sa late night Kapuso comedy talk show na The Boobay and TeklaShow (TBATS) noon lamang nakaraang buwan ng Nobyembre, kung saan ay nagkaroon ng guest appearance si Ruru at dito nga at tahasan siyang inusisa patungkol sa relasyon nil ani Bianca lalo na kung ang pagbabasehan ay ang pagpo-post ng sweet photos sa social media.

Photo Credit: rurumadrid/Instagram




Pero sa naturang panayam kay Ruru, ay iginiit nito, na wala pa silang inaamin ni Bianca Umali sa publiko, at tila mababakas sa mga kasagutan nito na huwag munang isapubliko sa ngayon, kung ano man nga ang magandang namamagitan sa kanila ni Bianca.

“Siguro, masasabi ko yung relationship naming dalawa, isang bagay na espesyal sa akin”, ang maikling pahayag nga noon ni Ruru, patungkol sa naging katanungan sa kanya sa kung anu man ang namamagitan sa kanila ni Bianca.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *