Ryan Agoncillo Pinakilig Ng Husto Ang Asawang Si Judy Ann Santos Matapos Niya Itong Haranahin

Ang pagkakaroon ng isang matatag na pagsasama ng relasyon ng mag-asawa, ay nakadepende, kung paano nila pinahahalagahan ang isa’t isa, at kung paano nilang binibigyan ng oras ang bawat isa. ito ay sa kabila ng mga bagay na kanilang pinagkaka-abalahan.




Ilang mga celebrity couple, ang talaga namang hinahangaan ng marami sa atin, dahil sa kabila ng pagiging abala nila sa kanilang trabaho, at sa kabila ng sila ay nabibilang sa mundo ng showbiz, na batid nating hindi maiiwasana ng intriga, ay napapanatili nilang matatag ang kanilang relasyon.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Isa nga sa mga hinahangang mag-asawa sa industriya ng showbiz, ay sina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, na halos nasa 11-taon ng mag-asawa, at nabiyayaan na rin ng mga anak.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Batid natin na sina Ryan at Judy Ann, ay parehong abala sa kanilang trabaho bilang mga artista. Kaya naman ang pagkakaroon ng oras sa kanilang pamilya, lalo na sa isa’t isa at sa kanilang anak, ay talaga namang binibigyan nila ng oras at halaga, upang ang samahan ng kanilang pamilya, ay manatiling matatag.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Samantala, nito nga lamang nakaraan, ay isang nakakakilig na “moves”, para sa asawang si Judy Ann ang ginawa ni Ryan, na nagpakilig dito, at maging sa mga netizens.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Nito nga lamang nakaraan ay hinara ni Ryan Agoncillo, ang kanyang asawa, ito ay bilang lambing dito. Dahil sa kilig at saya, ay kinan niya pa ito ng video, habang tinutugtog ang isang malambing na awitin, gamit ang gitara nito.

Photo Credit: officialjuday/Instagram

Kahit nga hindi kumakanta, at tanging ang tunog lamang ng gitara ang haranang ginawa ni Ryan, ay punong puno naman ito ng emosyon para sa kanyang mahal na asawa.

Ibinahagi naman ni Judy Ann sa kanyang Instagram ang naturang video, at nilagyan niya ng caption na; “Daddy’s home! And yes… he’s mine.” Na agad namang sinagot ni Ryan ng nakakatuwang mensahe na, “Namamasko po.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Judy Ann Agoncillo (@officialjuday)

Dahil sa talaga namang nakakakilig ang ginawang harana na ito ni Ryan, para kay Judy Ann, ay talaga namang marami sa kanilang mga tagahanga, na nakapanood nag video ang nagbigay ng samu’t saring mga komento.




“Uyyy, selosa si misis.” “Sana all, hinaharana ng mister.” “Iyong-iyo lang si ate Juday! #Jasry.”
“Lucky you with Ryan. Beauty fades but character and smarts last forever! Happy marriage and more blessed years ahead.”

“Wonderful couple and family. Ask ko lang po, kung kailan masusundan si bunso? God bless your family!” Makikita rin sa Instagram account ni Judy Ann, ang isa pa nilang larawan ngmag-asawa, kasama ang kanilang pamilya, kung saan ay makikitang sweet na sweet sila.
“Grateful and Thannkful for you.. always and forever”, caption ni Juday sa larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *