Ryzza Mae Dizon Ipinasilip Ang Kanyang Ipinapagawang Dream House Na Malapit Ng Matapos

Masaya at proud na ipinasilip ni Ryzza Mae Dizon sa publiko ang pinakabagong update sa kanyang ipinapatayong bahay, kung saa ito nga ay ang dream house niya para sa kanyang pamilya. Ang naturang bahay na ito, ay matatagpuan nga sa Pampangga.




Ayon sa ulat, ang tahanan nga na ito sa Pampangga na ipinapatayo ni Ryzza na malapit na ngang matapos ay ang magiging bagong tahanan nila ng kanyang pamilya, ito nga ay makalipas ang ilang taon din na paninirahan nila sa tahanan na nila sa Quezon City, kung saan ito nga ay unang tahanan na kanyang ipinatayo.

Image Credit via YouTube

Sa bagong vlog na ini-upload ni Ryzza sa kanyang YouTube channel ay ibinahagi nga niya ang pinakabagong update sa ipinapagawa niyang tahanan sa Pampangga, at ayon nga sa kanya ay nasa 95% na ito, na ang ibig ngang sabihin ay malapit na nga itong matapos at malipatan ng kanyang pamilya.

Image Credit via YouTube

“Pinag-uusapan namin na 95% is tapos na talaga, kasi noong nakaraan ay 90% pa lang”, saad ni Ryzza.Dagdag na saad pa niya, “Kasi halos complete na, may tiles na tapos yung ibang gamit na-transfer na dito, mayroon na din kaming gate.”

Image Credit via YouTube

Kuwento pa nga ng ina ni Ryzza may ilang bahagi pa din ng nasabing tahanan na may kulang pa at may ikakabit pa talaga, tulad na nga lamang ng pagkabit ng vinyl sa second floor at ang pag-install ng sliding door at main door.

Image Credit via YouTube

“Yung 5% na kulang, yung vinyl [na ilalagay sa second floor] tapos yung isang sliding door at main door”, ani ng Mommy ni Ryzza Mae.Sinimulan nga ni Ryzza na ipasilip sa publiko ang update sa kanyang bagong tahanan, at ang una nga niyang ipinakita ay ang bahaging labas nito kung saan ipinakita niya ang naging pagkakabit at pagpipintura ng kanilang magiging gate.

Image Credit via YouTube

Pagkatapos nga nito ay ipinasilip din niya ang pagkakabit ng tiles sa labas na bahagi ng kanilang tahanan at ang ilang mga essentials na makikitang nakakabit na rin sa kanilang bathroom sa ikalawang palapag.

Image Credit via YouTube

Ipinasilip nga rin ng tinaguriang si Aling Maliit ang magiging silid niya sa bagong tahanan na ito, at ayon nga sa kanya ay vinyl na lang ang kulang rito at maari na nga itong mapaglagayan ng kanyang gamit at maayos ayon sa gusto niyang istilo at disenyo ng kanyang silid.

Video Credit YouTUbe

“Vinyl na lang po ang kulang sa room ko, at kapag nakabit na ‘yun pwede na mag-ayos ayos at mag-decorate, so super excited ako sa part na ‘yun”, pagbabahagi nga ni Ryzza.
Maliban pa nga sa mga ito, ay ipinasilip pa ni Ryzza ang iba pang bahagi g bago nilang tahanan, kagaya na lamang nga ng magiging kusina, sala at iba pa.




Makikita naman na tila magkahalong black, gray at white ang nagbibigay ng kulay sa loob ng dream house nina Ryzza.Sa huling bahagi naman ng vlog niya na ito ay sinabi ni Ryzza na ipapakita naman niya sa susunod niyang vlog ang magiging pag-aayos nila ng kagamitan kapag sila nga ay lumipat na mula sa dating bahay ni sa Quezon City patungo sa bago nilang magiging tahanan sa Pampangga.

Leave a Reply

Your email address will not be published.