Ryzza Mae Dizon Ipinasilip ang Napakaganda At Komportableng Bahay Na Naipundar Niya Para Sa Kanyang Pamilya

Bilang isang 15-taong gulang na bata, ay proud na proud si Ryzza Mae Dizon o tinaguriang si “Aling Maliit” na ipasilip sa kanyang mga tagahanga at tagasuporta, ang bunga ng lahat ng kanyang pagsusumikap, at ito nga ay ang 3-storey townhouse na kanyang naipundar para sa kanyang pamilya.




Lingid naman sa kaalaman nating lahat na isa si Ryzza Mae ngayon sa popular na bata sa showbiz, ito ay dahil sa kanyang taglay na kabibohan.

Image Credit via YouTube

Nagsimula ang showbiz career ni Ryzza Mae, ng siya ay maging kalahok at nagwagi sa Little Miss Philippines segment ng Eat Bulaga, at mula nga noon ay nagtuloy-tuloy na ang maraming mga biyaya sa buhay niya at sa kanyang pamilya.

Image Credit via YouTube

Mula nga ng magwagi sa nasabing patimpalak, ay nabigyan na ng iba’t iba pang mga proyekto si Ryzza Mae, kaya naman nagawa niyang makapag-ipon, hanggang sa matupad niya ang pangarap niyang maganda, maaliwalas at komportableng tahanan sa kanyang pamilya.

Image Credit via YouTube

Ilan nga sa mga proyekto niya na naging daan upang siya’y makapag-ipon ay ang kanyang sariling TV show na “The Ryzza Mae Show”. Napabilang rin siya bilang regular na batang host sa Eat Bulaga, at sa Vampire ang Daddy Ko.

Image Credit via YouTube

Isa sa malaking proyekto na kinabilangan naman ni Ryzza Mae ay ang block buster movie na “M Little Bossing”, kung saan ay nakasama niya si Bossing Vic Sotto.
Mayroon ring mga endorsement si Ryzza Mae na nakatulong pa sa kanya para mas lalo siyang makapag-ipon, kagaya na lamang ng pagiging endorser niya ng Mister Donut, at isang brand ng pasta na, El Real.

Image Credit via YouTube

Samantala, mas mapabilis pa nga ang naging pagtupad ni Ryza ng kanyang pangarap na tahanan para sa kanyang pamilya sa tulong ng mga prodyuser ng “My Little Bossing”, na sina Bossing Vic Sotto, Kris Aquino, ang Eat Bulaga family niya, at ni Antonio Tuviera, ang kanilang big boss.

Image Credit via YouTube

Ayon nga sa 15-taong gulang na wonder child, ay matagal ng nag-request ng kanyang mga tagahanga na masilip ang kanilang tahanan o ang magkaroon siya ng “house tour vlog”, kaya naman upang pagbigyan ang mga ito, ay ipinasilip niya ito sa kanyang YouTube channel.

Image Credit via YouTube

“Dahil lagi kong nakikita sa IG ko na nagko-comment kayo, ‘Ryzza, house tour naman diyan. House tour sa YouTube mo please.’ Heto na po, Dabarkads. Magha-house tour na po tayo, finally”, ang naging bunga ni Ryzza Mae sa kanyang naging pagpapasarap sa kanilang tahanan.

Image Credit via YouTube

Sa naturang house tour nga ay ipinakita ni Ryzza ang ilang bahagi ng kanilang tahanan, kung saan ay makikita na napakalawak talaga nito, at napakaganda rin ng mga kagamitan.
Ibinahagi rin ni Ryzza, ano ang magandang pagkakaayos ng kanilang tahanan ay ang mommy niya ang may gawa, lalo na pagdating sa pagdedecorate nito.

Video Credit: Ryza Mae Dizon/YouTube

Ayon pa sa kanya, halos araw-araw umano ay nasa iba’t ibang furniture sila ng kanyang mommy, upang bumili ng mga iba pang mga kagamitan para sa kanilang tahanan.




Dagdag pa ni Ryzza, lahat ng kanyang “effort” ay alam niyang worth-it, dahil sa hindi lang basta kongkreto ang tahanan na kanyang naipundar para sa kanyang pamilya, kundi kumportable at maaliwalas pa ito.

Mapapansin naman na makulay ang mga ginamit na dekorasyon sa tahanan nina Ryzza, na tila nga bumagay sa isang “brightest stars” na tulad niya, na patuloy na nagnining sa mundo ng showbiz.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *