Sa Edad na 35 Pwedeng Ng Magretiro Sa Showbiz At Mag Buhay Hari Ang Aktor Na Si Daniel Padilla

Ibinahagi ng ina ni Daniel Padilla, na si Karla Estrada kung gaano na nga kayaman ang kanyang anak, at ito nga ay ng makipagchikahan ang “Magandang Buhay” momshie, sa celebrity dermatologist na si Dra. Vicky Belo.




Ayon ng kay momshie Karla, kapag tumuntong na ang anak niyang si Daniel sa 35-taong gulang, at naisin na nito ang magretiro sa showbiz, ay pwedeng pwede na, dahil nagbubuhay-hari naman ito sa kanyang ipon, kung saan aabot pa ito hanggang sa ito’y magkaroon ng mga apo.

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Sa naging nagchichikahan nga nina Dra. Vicki Belo at Momshie Karla, sa bagong vlog entry ng celebrity dermatologist, ay ibinahagi ni Karla Estrada kung gaano na nga ba ka-rich ang boyfriend ng aktres na si Kathryn Bernardo.

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

“Meron na siyang savings niya na he’s good at 35 kahit di na siya magtrabaho hanggang apo niya. Nagsabi na tayo”, ang naging saad nga ni Karla Estrada.

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Saad nga ng TV host-actress, ang kanyang anak na si Daniel, ay mayroon ng sapat na ipon, kung saan, sakaling magdesisyon ito na hindi na mag-artista sa edad na 35-taong gulang, ay wala ng magiging problema.

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

Samantala, natanong naman kay momshie Karla, kung ito ba ay kumukuha ng komisyon sa mga kinikita ng kanyang anak, at dito nga ay sinabi niya na;
“Wala naman. Ako lang nagha-handle ng lahat ng pera niya.”

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

“Eh kasi kung ano gastos namin, para din ‘yun sa lahat. So, importante may natabi sa kanya.” Ibinahagi naman ng aktres na ang anak niya si Daniel, ay hindi ‘yung tipo ng anak na palahingi ng pera, lalo kung cash, pero kung bigla na itong nag “Hi, Ma!” naku, dito na umano kinakabahan si momshie Karla.

Photo Credit: supremo_dp/Instagram

“Hindi naman siya palahingi. Hindi ‘yun humihingi ng cash. Pero mag-alala ka pag nag ‘Ma’ na ‘yan. Ibang-iba ang tono ‘yan eh. ‘Pag ‘Hi, Ma!’ naky, patay tayo diyan.
Natatawa pa ngang ikinuwento ni Karla Estrada, na tila papalapit siya sa pader, kapag humingi na ang kanyang anak, lalo na kapag ito’y nakabili ng sasakyan.

Chika pa ng tv host-actress, may mga pagkakataon rin naman na nagsasabi siya ng “No”, kay Daniel, lalo kapag ito’y bumibili ng sasakyan, kung saan ay sinasabi niya rito , na kailangan alamin muna nito kung magandang klase at matibay ba ang bibilhin nito.




Ngunit kapag ito naman ay nagsabi ng “Pare, ang ganda ng motor na ito’, ay binibigyan niya na ito. Hindi na rin naman siya nagtataka kung bakit mahilig ang anak niya sa mga sasakyan, kasi nasa dugo na nga ng mga Padilla, ang mapa-action star.

Ibinahagi naman ni momshie Karla, na ngayon ay ang anak ng si Daniel ang pinapahawak nito ng kanyang sariling pera. Ito ay upang matutunan na umano ng aktor, ang pagiging responsable sa tamang paggastos, at pag-iipon ng perang kanyang kinikita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *