Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging ‘Single Mom’ Kylie Padilla Pinatunayan Ang Pagiging Isang Strong Independent Woman

Isa sa mga hinahangaan sa industriya ng lokal na showbiz ay ang mahusay na aktres at celebrity mom na si Kylie Padilla, ito ay dahil nga sa kanyang pagpapamalas ng kanyang angking husay at talento sa pag-arte lalo na sa paganap niya sa mga pelikula o teleserye.
Ang paghanga ng marami kay Kylie ay mas lalo pang umigting ng mahusay na gampanan ng aktres ang pagiging si Reyna Amihan sa GMA fantaserye remake na Encantadia noong taong 2016.




Hindi lamang naman ang pagiging mahusay na aktres ni Kylie ang tunay na kahanga-hanga sa kanya, dahil sa tunay na buhay ay pinatunayan din niya na mas higit niyang kayang gampanan ang mas malaking papel na higit pa sa pagiging isang artista, at ito nga ay pagiging isa niyang matatag at matapang na ‘single mom’ sa kanyang dalawang anak.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Batid ng publiko na sa kasalukuyan nga ay mag-isang ginagampanan ni Kylie ang pagiging magulang sa dalawa niyang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romero ito ay matapos ngang mauwi na sa hiwalayan ang pagsasama nila ng dati niyang asawa na si Aljur Abrenica.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Tunay namang hindi ganoon kadali ang mamuhay bilang isang single mom dahil sa doble ang responsibilidad na gagampanan mo sa iyong mga anak at ito nga ay ang pagiging isang ama at ina, ngunit sa kabila nga ng ganitong responsibilidad ngayon ni Kylie ay patuloy naman siyang nagiging matatag at nagpapatuloy sa buhay dahil ang kanya ngang lakas at kasiyahan na nagpapatatag sa kanya ay ang mga anak niyang sina Alas at Axl.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Samantala, sa Instagram ni Kylie nito lamang nakaraan ay makikita ang mga ibinahagi niyang larawan at video nilang mag-ina habang sila ay namamsyal sa isang mall, kung saan ay mas nagpatunay pa ito ng kanyang tatag bilang isang single mom.

Photo Credit: kylienicolepadilla/Instagram

Sa nasabing larawan ay kapansin-pansin nga na buhat ni Kylie sa kanyang bisig ang bunsong anak na si Axl habang ang isa naman niyang kamay ay nakaalalay sa panganay niyang anak na si Alas. Dahil nga sa mga larawan na ito ay hindi napigilan ng mga netizens ang maantig lalo na nga’t kitang kita naman talaga kay Kylie ang katatagan at pagmamahal niya para sa kanyang mga anak.




Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens;“Beautiful and strong woman. Truly they can’t put a good woman down.” “Super mom talaga ito si Kylie.”“Bonding time naman with the kids. Na-miss ni mama Kylie yan … Stay safe at take care ate Kai.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.