Sa Kabila Ng Pagbabalik Trabaho Ni Iya Villania Ay Marami Ang Namangha Dahil Sa Ipinamalas Niyang Dedikasyon Bilang Isang Ina

Tunay nga naman na ang pagiging isang ina, ang isa sa pinakamahirap ngunit pinakamasaya rin na gagampanan ng isang babae, sa kanyang buhay.




Hindi nga naman madaling maging ina, lalo na kung maliban sa pag-aaruga na kinakailangan mong ibigay para sa mga anak mo, ay kinakailangan mo pang maghanap-buhay upang kumita at maibigay ang panganga-ilangan ng pamilya mo.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Kamangha-mangha nga namang isipin, kung paanong nagagawa ng isang babae, ang mga bagay na tila walang kapaguran, lalo na kung sa maghapon, ay kailangan mong kumayod sa trabaho, kasabay nito ang pag-ganap mo ng resposibilidad bilang isang ina sa iyong mga anak.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Ang Kapuso host na si Iya Villania, ang isa sa mga hinahangaan ngayon ng maraming mga inang katulad niya.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Ito ay matapos niyang ibahagi ang ginawa niyang “multi-tasking” sa loob ng kanilang tahanan, na ipinapakita ang kanyang dedikasyon sa pagiging isa niyang ina, sa kabila ng ginagawa niyang trabaho.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Sa Instagram story ni Iya, ay ibinahagi niya ang behind the scenes ng kanyang naging live report, sa showbiz segment ng 24-oras na Chika Minute, kung saan sa kabila ng ginagawa niyang pagbibigay ulat, ay naroroon pala sa kanyang kanlungan ang bunso niyang anak na si Alana Lauren, at abala na dumedede sa kanya.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Wala ngang nag-akala sa mga manonood, na habang nagbibigay ulat ang Kapuso host, ay abala rin ito sa pagpapadede sa kanyang bunsong anak. Caption nga ni Iya sa kanyang IG story;

Photo Credit: iyavillania/Instagram

“One of the perks of working at home.” “You’d never even guess there’s a baby feeding”, biro pa nito. Saksi naman ang asawa ni Iya na si Drea Arellano, kung gaano kasipag at kade-dicate ang kanyang asawa bilang isang ina at asawa.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

At batid rin nito, na napakahalaga sa asawa, na mabigyan ng masustansyang gatas ang kanilang bunsong anak, kaya naman sa kabila ng pagtatrabaho ito ay nagagawa pa rin nitong kanlungin ang anak, upang mapadede ito.

Photo Credit: iyavillania/Instagram

Makikita naman sa Instagram ni Drew, ang kanyang naging pagpuri sa kasipagan at pagiging isang responsableng ina ng asawa niyang si Iya. At kalakip nga nito, ay ang larawan ni Iya, na pinapadede ang bunsong anak, habang abala na nakatutok sa laptop, at nagtatrabaho.




“Now that’s D3DE-cation”, caption nga ni Drew. Matatandaan na isinilang ni Iya Villania, anng kanilang bunsong anak na si Alana Lauren, noong ika-18 ng Hulyo 2020, kaya naman ngayon ay maglilimang-buwang gulang na ito.

Maliban naman kay Alana, ay mayroon pang dalawang naunang anak ang mag-asawang Drew at Iya, at ito nga ay sina Antonio Primo (4-taon) at Alonzo Leon(2-taon).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *