Sa Loob Ng 2 Dalawang Taong Pag-Iipon Ng Mga Sampung Barya Nakabili Siya Ng Motorsiklo

Marami tayong gusto sa buhay. May mga luho at ang karamihan ay isa sa mga pangunahin nating pangangailangan. Sa paglipas ng panahon at ang mga taon, nagbabago na rin ang mga pangunahing pangangailangan. Ang dating luho, ngayon ay isa na sa mga dapat mayroon tayo upang mabuhay. Kasama sa mga pangunahing pangangailangan ay ang bahay, pagkain, at kasuotan. Ngayon, isa na sa mga pangunahin nating pangangailangan ang transportasyon.

Image Courtesy: Angel Gel Azarb / Facebook




Hindi na tayo tulad ng una na kalabaw lamang at bisikleta ang sasakyan upang makarating sa ating kinaroroonan. Karamihan sa mga tao ngayon ay kung walang kotse ay mayroon ng mga motorsiklo. Motorsiklo ang isa sa mga pinakamainam na paraan upang makarating sa iyong kinaroroonan ng mas mabilis. Ngunit dahil sa hirap ng buhay dito sa atin sa Pilipinas, marami pa ring walang motorsiklo.

Image Courtesy: Angel Gel Azarb / Facebook

Dito nakapag isip ang mga kumpanya ng motor na gawing hulugan na lamang ang pagbabayad sa mga may nais kumuha ng motorsiklo at papatungan na lamang ng mataas na interes. Bagama’t mas mapapamahal, walang nagawa ang ating mga kababayan kundi kumagat dito dahil ito na lamang ang tanging paraan na magkaroon sila ng motorsiklo nang hindi naglalabas ng napakalaking halaga.

Image Courtesy: Angel Gel Azarb / Facebook

Kung iyong tutuusin, mas mapagmahal ka kapag kumuha ka ng motorsiklo hulugan dahil dumudoble ang presyong babayaran mo dahil sa pinakamataas na interes. Ito marahil ang naisip ni Tatay Rodrigo Cosio kung kaya’t naisip niyang mag-ipon ng pera upang makabili ng isang motorsiklo.

Image Courtesy: Angel Gel Azarb / Facebook

Sa loob ng dalawang taon, nag-ipon siya ng tig-sampung piso. Tiniis niya ito para lamang makabili ng kanyang sariling motorsiklo. Imbis na kumuha ng motor na hulugan ay mas pinili niyang mag-ipon na lamang at bumili ng motor na isahang bayad na lamang upang nakamura.

Marami ang humanga sa talino ni Tatay. Kaya naman, dahil dito, nag trending sa social media ang kanyang litrato na ibinahagi ni Angel Gel Azarb na nagtatrabaho sa tindahan kung saan bumili si Tatay ng motor. Bagama’t napakaraming barya ang kinailangan nilang bilangin, natutuwa pa rin sila dahil sa tiyaga ni tatay na mag-ipon ng ganoong halaga.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *