Sabay Na Nanganak Ng Kambal Ang Magkapatid Na Ito Ngunit Laking Gulat Ng Marami Ng Malaman Nila Kung Sino Ang Ama Ng Mga Sanggol

Parehas na buntis ang magkapatid na ito mula sa Ohio, USA. Ngunit hindi ito ang nakakabiglang balita, napagalaman na si Chris at Anne ay nagdadalang tao ng kambal. Maliban rito, ginimbal nila ang lahat ng mapag-alamang ang ama ng apat na sanggol ay iisang tao lamang.




Sinubukan na ni Anne at ng kaniyang asawa ang ibat-ibang paraan dahil sa limang taon nilang pagiging kasal, hindi pa rin sila nagkakaanak. Matagal nang gusto ni Anne na maging isang ina ngunit dahil sa hindi magandang kondisyon nito, palaging nauudlot ang kaniyang pagbubuntis na naging dahilan upang panghinaan siya ng loob.

Nakita ni Chris ang sitwasyon ng kaniyang kapatid at ng asawa nito kaya sobra siyang naging alala, kaya naman kinausap niya ito na maaaring siya na lang ang magbuntis para sa kaniyang kapatid.

“I can pregnant for you, ani ni Chris. Dahil sa narinig niyang balita, nabuhay ulit ng loob si Anne na subukan ulit ito. Nilagyan ng doktor ang mga egg cell ni Anne ng semilya ng kaniyang asawa para makabuo ng isang embryo at nilagay niya ito sa katawan ng magkapatid na babae. Sa wakas, parehas na nabuntis ang magkapatid na sina Chris at Anne. At hindi lang iyon, nagdadalang-tao silang dalawa ng kambal.




Sa paglaki ng sanggol sa kanilang sinapupunan, naisipan nilang manganak sa parehong araw. Sa kabutihang palad, nanganak si Chris ng dalawang lalaki at si Anne namay nagbigay buhay sa dalawang babae.

Matagal nang hiling ni Anne na maging isang ina, kaya naman ngayon, apat na bata na ang kaniyang aalagaan at matatawag na anak. Sa wakas, natupad na rin ang kaniyang pangarap na maging ina. Sobra ang kasiyahan ni Anne at sobra rin ang kaniyang pasasalamat sa kaniyang kapatid.

Pamilya mo lang ang maaaring tumulong sayo sa kahit anong paraan man iyan. Naway lumaki ang mga batang may masayang pamilya at mga magulang na mamahalin sila.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *