Sam Milby Inamin Na Ang Totoong Relasyon Nila Ni Miss Universe 2018 Catriona Gray

Si Sam Milby ay isa sa mga gwapong aktor sa industriya ng showbiz na talaga namang masasabi natin na kahanga-hanga ang taglay na kagwapuhan at tikas ng pangangatawan kung kaya’t tunay na tinitilihan at kinakikiligan ng maraming mga kababaihan.




Unang nasilayan sa telebisyon ang kanyang gwapong mukha ng siya ay maging isa sa mga housemate’s ng reality TV Show noon ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Ilang mga kilalang magagandang aktres na rin ang napabalitang nakarelasyon ng gwapong aktor, at ang iba nga sa mga ito ay kanyang mga naging leading lady sa mga pelikula na kanyang ginawa.

Photo Credit: catriona_gray/Instagram

Napabalitang ang huling nakarelasyon ng gwapong aktor ay isang model-blogger na nagngangalang Marie Jasmine, ngunit nauwi rin ang dalawa sa paghihiwalay.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Matagal-tagal nga rin namang walang napapabalitang karelasyon ang aktor na si Sam Milby, kaya naman ikinagulat ng marami ng aminin at kumpirmahin ng aktor nitong linggong ito lamang na siya ay in a relationship na sa isang beauty queen, at ito nga ay walang iba kundi ang napakagandang si Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Tunay nga namang kabigha-bighani ang naturang ganda ng beauty queen, kaya naman hindi kata-taka na mabighani at mapa-ibig sa kanya ang gwapong aktor na si Sam Milby.

Marami pa rin nga sa mga netizens ang hindi makapaniwala sa naging kumpirmasyon ni Sam Milby na silang dalawa ni Miss Universe 2018 Catriona Gray ay magkarelasyon na, isa na sa mga dahilan ng iba ay dahil sa halos nasa 10-taon ang pagitan ng agwat sa edad ng dalawa.

Ngunit ayon nga sa aktor “Worth every seconds of the wait”, ang ginawa niyang pag-aantay ng tamang panahon upang aminin at kumpirmahin ang relasyon nila Catriona, kaya naman talagang mababakas sa kanya ang labis na kasiyahan na kanyang nadarama.




Marami naman sa mga tagahanga nina Sam at Catriona ang natuwa at kinilig sa naging pag-amin ng aktor, dahil kung talagang nagmamahalan silang dalawa ay mas maiging maging masaya na lamang tayo sa relasyon nila .

Pinatunayan din ni Sam Milby at Catriona Gray sa relasyon nila ngayon, na hindi hadlang o basehan ang agwat ng edad para sa dalawang taong nagmamahalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *