Sam Milby Ipinasilip Ang Kanyang Bachelor Condo Unit Na Mayroong Sariling Recording Studio

Tunay namang napakasarap sa pakiramdam na magkaroon tayo ng ating sariling tahanan, dahil dito ay ginagawa natin anuman ang nating naisin, lalo na sa pag-aayos at pagpapaganda ng nito. Sa pagsasaayos din ng ating sariling tahanan, ay hindi maikakaila na marami sa atin ang nakalabas ang ating pagkamalikhain, lalo na pagdating sa pagdidisenyo at paglalagay ng dekorasyon sa ating tahanan.




Ang mga sikat na artista ay kadalasang isa sa mga naging inspirasyon natin, dahil tunay namang ang kanilang mga tahanan ay kinabibilangan pagdating sa mga disenyo at dekorasyon. Halimbawa na nga lamang nito ay ang tahanan ng Kapamilya hunk na si Sam Milby.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Matatandaan na unang ipinasilip ng aktor na si Sam Milby sa publiko ang kanyang tinitirhan na condominium unit sa TV host na si Kris Aquino, ngunit nito nga lamang nakaraan ay muling binuksan ng aktor sa publiko ang tahanan niyang ito para sa isang vlog ng kanyang kapwa celebrity na si Alex Gonzaga, na isa rin ngang kilalang vlogger.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Sa pagbisita nga ni Alex sa condominium unit ng aktor, ay dito nga mas lalo pang nasilayan ng mga netizens ang napakagandang tahanan na ito ni Sam. Masasabi din nga na ang condo na ito ng aktor, ay kakaiba sa ibang mga condo unit, sapagkat ito ay mayroong industrial theme kung saan karamihan sa mga kagamitan dito ay gawa sa kahoy, at nagpapaganda rin dito ang wall bricks nito.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Isa sa mga kahanga-hangang dekorasyon na makikita sa condo ni Sam ay ang kanyang bookshelf na gawa sa iron pipe. Mayroon din siyang chalkboard kung saan isinulat niya ang mga paalala at mahahalagang gawain niya, at sa isang expansion naman ay naroon ang ilan sa mga polaroids photo ng aktor.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Maging ang kitchen area nga sa condo ni Sam ay pasok sa kanyang industriyal na tema dahil sa kakaibang tiles na ginamit rito. Sa living area naman, ay kapansin-pansin ang pagka maliwanag at maaliwalas sa bahagi na ito, sapagkat kumpara sa ibang bahagi ng condo unit ng aktor ay maliwanag na kulay ang naririto.

Photo Credit: samuelmilby/Instagram

Isa naman sa talagang nakakabilib sa tahanan na ito ng Kapamilya actor ay ang pagkakaroon niya ng sarilin niyang recording studio rito. Kuwento nga ni Sam, ang malapit niyang kaibigan at singer na si Moira dela Torre, ay minsan ng nakapag-record sa recording studio niya na ito.




Talaga namang bagay na bagay sa hunk actor na si Sam Milby ang tema ng kanyang condo unit, at siguradong sa muli niyang pagsasapubliko ng pribado niyang ‘space’ na ito ay marami sa mga netizens ang nakakuha ng mga ideya o inspirasyon sa mga nais na maging industrial theme din ang kanilang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *