Sam YG Masayang Ibinahagi Ang Pagiging Engage Nila Ng Kanyang Non-Showbiz Girlfriend

Masayang ibinahagi sa publiko ng disc jockey at dating Eat Bulaga! host na si Sam YG na siya ay engaged na sa kanyang non-showbiz girlfriend.




Nito lamang Martes ng gabi, ika-26 ng Enero ng ianunsyo ng 36-taong gulang na Filipino-Indian DJ ang masayang pangyayari na ito sa kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbabahahagi nito sa kanyang Instagram account.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Ayon sa naging ulat ng PEP.ph, si DJ Sam YG o Samir Gogna sa tunay na buhay, ay ikakasal sa kanyang non-showbiz girlfriend na kinilalang si Teressa Santos, o mas kilala naman sa tawag na “Essa”. Isang corporate marketing head ng isang financing corporation at general manager ng Miss Asia Pacific International pageant ang soon-to-be-wife si Essa.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Maliban pa rito ay talagang nakabibighani rin ang kanyang taglay na ganda.
Sa Instagram ni DJ Sam, ay kanyang ibinahagi ang dalawang larawan na kinunan sa loob ng isang 20 sq.meter room na inayosan ng naayon sa dream-like set up sa magaganap na okasyon.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Makikita sa unang larawan ang nakatayong si Essa, at nakaluhod naman sa harapan nito si Sam habang hawak-hawak ng kanyang dalawang kamay ang singsing na ipiniprisinta niya kay Essa. Kitang-kita naman na punong-puno ng emosyon si Essa, habang nakatingin kay Sam na tila hindi maipahiwatig ang kanyang nadarama sa mga oras na ‘yun.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Base naman sa ikalawang larawan na ibinahagi ni Sam, ay tinanggap ni Essa ang kanyang naging marriage proposal, dahil sa makikitang suot-suot na ng kanyang nobya sa left finger nito ang isang engagement ring. Hawak hawak naman ni Sam ang isa pang kamay ni Essa.
Kalakip naman ng mga larawan na ito, ay ang naging caption ni Sam na;

Photo Credit: essasantos/Instagram

“Essa ‘YES’ [ring emoji] “Let me love you for the rest of my life?” #ItsAlwaysBeenYou #SignedSealedDelivered #SwerteKoLang Nagpa-abot naman ng kani-kanilang pagbati para sa dalawa ang maraming mga celebrities, lalo na ang malalapit na kaibigan ni DJ Sam.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Kabilang na nga sa mga naging masaya para sa engagement nina DJ Sam at Essa ay ang mga naging kasamahan noon ni Sam sa Eat Bulaga! Na sina Ryan Agoncillo at Pauleen Luna.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Maliban sa kanila, ay marami pa ngang celebrity ang nagpa-abot ng kanilang pagbati, at ito ay makikita sa comment box ng mga larawan ng engagement na ibinahagi ni DJ Sam.
Samantala, sa hiwalay na post naman ni Essa sa kanyang Instagram account ay sinabi niya na hindi niya inaasahan ang naging wedding proposal ni Sam. Sa katunayan ay nakapambahay pa umano siya noong mag-propose ito.

Photo Credit: essasantos/Instagram

Ngunit nagpapasalamat siya sa nobyo, sa pagbibigay sa kanya ng isang napaka- wonderful-amazing na experience. Inihayag rin ni Essa sa kanyang post kung gaano siya ka-lucky bilang babae, dahil sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ni Sam.




Tinapos niya ang kanyang post, sa pagsasabi na mahal na mahal niyam rin ang kanyang soon-to-be-husband. Naging magkasintahan sina Sam at Essa noong buwan ng Mayo taong 2018, kaya naman dalawang taon na rin mahigit ang kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *