Sample King Jhong Hilario Ibinahagi Ang Karanasan Bilang “First Time Dad”

Labis nga naman ang kasiyahan ngayon ng It’s Showtime host at tinaguriang sample King na si Jhong Hilario dahil sa pagdating sa kanyang buhay ng kanyang unang anak na si Sarina Oceana. Sa naging panayam nga ni Momshie Melai Cantiveros,




kay Jhong sa ‘Magandang Buhay’ nito lamang nakaraan, ay ibinahagi nito kung gaano kasaya ang kanyang buhay ngayong siya ay ganap ng ama.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Ikinuwento rin ni Jhong sa nasabing panayam na kahit laging puyat at walang tlog dahil sa pag-aalaga sa baby niyang si Sarina, ay wala namang katumbas ang saya at tuwa na ibinibigay ng kanyang baby ngayon sa buhay niya.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

“Ito walang tulog. Pero masaya. Sobrang nakakatuwa na meron na akong baby”, ang masaya ngang pahayag ni Sample King Jhong Hilario. Sa ngayon nga ay pinili muna ni Jhong na maging isang hands on daddy sa kanyang baby. At bilang isang ‘first time dad’ ay ibinahagi nga niya sa nasabing programa kung ano-ano ang mga nakatokang gawin sa kanya para kay baby Sarina.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Ayon nga kay Jhong kabilang sa mga gawain niya para kay baby ay ang paarawan ito tuwing umaga, kaya naman 6:30 am pa lamang umano ay gumigising na siya para abangan ang magandang sikat ng araw.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Matapos nito, ay papaliguan niya na ang kanyang baby, papalitan ng diaper, bibihisan at padedein nga ito sa kanyang feeding bottle habang nagpapahinga ang kanyang asawa na si Maia.

Photo Credit: jhonghilario/Instagram

Tinanong naman ni Momshie Melai si Jhong kung ano ang nararamdaman nito ngayon na isa na siyang ama at nabibilang na nga sa mga tinatawag na popshie. Binigyan naman agad ito ng kasagutan ni Jhong, na nararamdaman man umano siya ng naninibago, ay alam niya naman na darating talaga sa kanyang buhay na magiging isang ama siya, lalo na nga at hindi na bumabata ang kanyang edad na 44.

Naibahagi nga rin ni Jhong sa panayam na ito sa kanya kung bakit Sarina ang napili nilang pangalan ni Maia sa kanilang baby girl.

Ayon nga kay Jhong ang pangalang ‘Sarina’ ay isang Hebrew name na ang ibig sabihin ng ay Princess, samantala ang ‘Oceana’ naman na second name ng kanilang anak ay nakuha nila sa kanilang pamamasyal sa beach noong panahon na nagbubuntis pa si Maia.

Ibinahagi rin ni Jhong na bilang first time daddy ay talaga namang lahat ay bago sa kanya sap ag-aalaga ng anak, lalo na’t sanggol pa lamang si Sarina.

Kuwento nga ni Jhong dahil sa operada ang asawa ng manganak ito kay Sarina, ay siya ang nagpaligo sa kanyang baby girl at talagang hindi nawala sa kanya ang matakot at kabahan lalo at first time nga niya ito. Ngunit bilang isang ama nga umano, ay kinakailangan niyang lakasan ang kanyang loob para alagaan niya ng maayos at maingat ang kanyang baby girl.

“Pero kailangan ko lakasan ‘ang loob ko kasi wala namang gagawa nun. Syempre si Maia bagong operada rin. CS siya, eh. So hindi pa rin masyadong makagalaw. Kailangan ako kasi wala rin naman kaming kasambahay”, ani Jhong.




Para rin kay Jhong ngayon ay talagang nalilibang siyang patawanin at patulugin ang kanyang baby girl na si Sarina, ngunit ang pinaka nahihirapan naman umano siyang gawin ay ang pagpapalit ng diaper sa naturang sanggol.

Kinabiliban naman ng marami mga tagahanga ni Jhong ang pagiging hands on daddy niya ngayon, lalo nga’t kitang kita kung gaano ito nag-eenjoy sa pag-aalaga sa kanyang baby.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *