Sandara Park Naging Emosyonal Ng Maalaala Ang Mga Pinagdaanan Matapos Ang 2NE1’s Disbandment

Naging emosyonal si Sandara Park ng balikan at muling alalahanin ang mga pinagdaanan niya ng mabuwag ang Legendary K-Pop group na 2NE1 kung saan siya ay nabibilang noon. Maging si Blackjack ay hindi napigil na maging emosyonal matapos ang naging pagbabahagi ng Sandara sa kanya ng mga nararamdaman nito noong mga panahon na nabuwag nga ang grupo.

Image Credit via Google




Palatandaan na ang K-Pop Group na 2NE1 ang nasa likod ng mga tugtugin na ” I the best” “Come Back Home” “I Love You” at “Fire”. Ito ay kinabibilangan nina CL, Park Bom, Dara at Minzy ngunit nabuwag ang grupo noong taong 2016.

Image Credit via Google

Sa isang episode ng Video Star noong February 4, ibinahagi ni Sandara Park ang mga narealize niya sa mga pinagdaanan niya ng mabuwag ang grupo nila na 2NE1. Ayon sa Korean Pop ay halos dalawang taon siyang naging negatibo sa takbo ng kanyang buhay na kung saan pati ang confidence niya sa kanyang sarili ay unti-unting nawala at ang dalawang taon na ito ang madilim na pangyayari sa buhay niya.

Image Credit via Google

“After our disbandment, I’ve realized that I’d been very foolish about something. When we were promoting, I thought that i wasn’t necessary for the group, because all the members had such amazing voices. I thought, if I sing more, I’ll be a detriment to the group. So I couldn’t enjoy it.” ayon sa pahayag ng korean Pop na si Sandara Park base sa korean translator ng website Soompi.

Image Credit via Google

Ayon pa nga sa 35-taong gulang na South-Korean celebrity, sa pangyayaring naganap na nabuwag ang kanilang grupo ag nawalan siya ng confidence sa kanyang sarili ay unti-unti ring nawala ang ilan sa kanyang mga kaibigan. Dito umano niya nakilala at nalaman kung sino ang mga totoong tao at kaibigan na mananatili sa kanyang tabi sa anumang pagdaanan niya sa kanyang buhay o karera.

“I think I experience a very dark two years,. But at some point, it became a good thing. I realized that the few friends who are still by my side are really my people.Because of that, I’m happy lately.” ang emosyonal na saad ni Sandara.

Ibinahagi din ni Sandara na ang dati niyang kamyembro sa 2NE1 na si CL ang isa sa tumulong at nagparealize sa kanya kung gaano kasaya ang magperform sa stage para magbigay kasiyahan sa kanilang mga fans.

,”CL is the one who lifted our spirits and she wasn’t there anymore, so I started to play the parts member had too.” saad ni Sandara.

Ngayon nga ay unti-unti ng narealize ni Sandara Park na enjoy at masaya rin pala kahit mag-isa ka alang na nagpa perform as long as mahal mo yung ginagawa mo at napapasaya mo ang iyong mga tagahanga.

“When I do fans meeting or concerts alone, I finally feel like I’m able to enjoy it. It’s a shame that I didn’t realize it sooner, but you can’t turn back time”. Dagdag pa ng South-Korea celebrity.

Bago ng makilala si Sandara Park bilang miyembro ng nabuwag na grupong 2NE1, ay mas nauna na siyang nakilala dito sa ating bansa bilang binansagan na Dubbed Pambansang Krung-krung. Ilang beses na din siya lumabas sa mga pelikula at shows ng ABS-CBN Network. Matatandaan nga na nagsimula ang pagkilala sa kanya dito sa ating bansa ng siya ang nagwagi sa reality talent show na Star Circle Quest competition taong 2004.




Ang huling proyekto ni Sandara Park sa ABS-CBN ay noong siya ay maging isa sa mga hurado ng Pinoy Band Superstar. Ngunit noong taong 2017 ay muli siyang nasilayan ng saglit sa pelikula nina Enrique Gil at Liza Soberano na “My Ex’s and Whys”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *