Sandra Seifert Nagbahagi Ng Larawan Ng Kanyang 5-Taong Gulang Na Anak Kasama Diumanoy Amang Si Cesar Montano

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ibinahagi na ng dating Miss Philippines Earth 2009 Sandra Seifert, na ang ama ng kanyang anak na si Corinth Ian o Coco, ay ang aktor na si Cesar Montano.




Ito ay matapos magbahagi ni Sandra ng larawan ng kanyang anak na si Coco, kasama nga ang ama nitong aktor. Ayon sa ulat, ang larawan na ito ng mag-ama, ang kauna-unahan na larawan nilang magkasama, na isinapubliko ni Sandra.

Photo Credit: sandraseifert/Instagram

Matatandaan na noong buwan ng Hunyo taong 2020, sa naging panayam kay Sandra ay hindi niya binanggit sa publiko kung sino ang ama ng kanyang anak na si Coco, pero naging matatag ang dating beauty queen sa kanyang saloobin, lalo na sa pinagdaanan niya noong siya ay nagbubuntis pa lamang.

Photo Credit: sandraseifert/Instagram

“I was very active in ministry work, so one of my greatest fears was being criticized for being pregnant before marriage, especially here in Philippines.

Photo Credit: sandraseifert/Instagram

“I didn’t want to disappoint them, but I also didn’t want them to think what I did was okay.
“At the same time, I am also a human, and when we are in love, a lot of times we are blinded and act more based on emotion rather than rationality.”

Photo Credit: sandraseifert/Instagram

Ibinahagi rin ni Sandra, na ang buong pangalan ng kanyang anak na si Coco, ay kinuha niya sa paborito niyang chapter sa Bibliya, na nagbibigay kahulugan sa kung ano nga ba ang tunay na pagmamahal.

Photo Credit: sandraseifert/Instagram

“Since Corinth is a child born out of love, and one of my favorite chapters in the Bible that defines love is First Corinthians Chapter 13, I thought it was perfect.”
“His dad gave him his middle name ‘Ian” so his name is actually Corinth Ian.”

Si Corinth Ian o Coco, ay isinilang ni Sandra Seifert sa Amerika noong ika-10 ng Oktubre taong 2015, at ngayon nga ay limang taon na ang anak na ito ng beauty queen.
Ibinahagi rin ni Sandra na, dahil siya ang personal na nagpalaki sa kanyang anak nais Corinth, at hindi siya kumuha ng “nanny” na mag-aalaga rito, ay nakikita niya sa anak, ang ilang mga katangian ng ama nito.

“Over all I think he got the best of both parents – because of his dad he is athletic, high motivated, enthusiastic, funny, a hustler who never gives up, and very bibo and lambing! Oh, he also hot his dad’s dimple!

Dagdag pa ni Sandra, kaya naman siya hindi kumuha ng “yaya” para mag-alaga sa anak, ay dahil sa minsan na nga lang nito makita at makasama ang ama, kaya naman ayaw niya na pati siya, ay bihira din nitong makasama at nagdesisyon siya na siya mismo ang mag-aalaga at magpapalaki sa anak.

Sa ngayon nga ay pokus si Sandra sa pagpapalaki at pag-aalaga sa anak na si Corinth Ian.
“I decided to raise Corinth without a nanny because I want to be there every step of the way as he grows up.




“He only see his father once in a while so I didn’t want him end up seeing his mother only once in a while either.”

Samantala, makikita naman sa larawan ng mag-amang Coco at Caesar, ang labis na pagmamahal ng aktor sa kanyang anak, sa kabila ng bihira silang magkasamang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *