Sapatos Na May Pinakamaraming Likes Sa Instagram Kay Nadine Lustre

Si Nadine Alexis Paguia Lustre ay ipinanganak noong 31 ng Oktubre taong 1993, mas kilala siya bilang si Nadine Lustre, isang artistang Pilipina, punong-abala sa telebisyon at mang-aawit.

Photo Credit: nadine/Instagram




Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang Eya Rodriguez sa pelikulang Diary ng Panget na base sa nobela ni HaveYouSeenThisGirL at bilang Georgina Evangelista sa bersyong pantelebisyon ng Bagets. N Naging kasapi at minsa’y naging bokalista din siya ng Pop Girls ngunit sa kalaunan ay umalis siya sa grupo at mas ninais na magsolo na lamang.

Photo Credit: nadine/Instagram

Mas nakilala si Nadine sa industriya ng showbiz ng makatambal niya si James Reid sa Diary ng Panget. Kinilala ang kanilang tambalan at binansagan bilang JaDine ang pinagsamang pangalan nilang dalawa.

Photo Credit: nadine/Instagram

Dahil sa maramindin silang pinagsama ang proyekto ay naging magkarelasyon ang dalawa. Inamin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon bago matapos ang kanilang teleserye noon na On the Wings of Love. Taong 2020 naman ng magwakas ang relasyon na mayroon ang Jadine.

Photo Credit: nadine/Instagram

Matapos ang naging usap-usapan sa nangyari sa lovelife ng aktres na si Nadine Lustre, ngayon naman ay usap-usapan sa social media lalo sa instagram ang sapatos niya na humakot ng pinakamaraming Likes sa Instagram.

Sa kanyang Instagram ay ibinahagi ni Nadine Lustre ang kanyang pares ng sapatos na mula pa umano sa Bottega Veneta. Ang sapatos na ito ay may takong na three-and-a half inches, gawa sa leather mesh na may pagka parisukat ang sa may bandang mga daliri ng paa at may disenyo na detachable anklet-style gold chain.

Sa isang kilalang Italian brand website makikita na ang halaga ng pares ng sapatos na ito ay umaabot sa €750 o kung sa Philippine money ay Php 41,400.
Nang ibahagi ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram ang sapatos niyang ito ay talaga namang marami ang humanga at nagandahan dito.




Isa rin ito sa most-liked photos ni Nadine na umabot agad sa 324,000 like mula ng ipost niya ito noong February 21, 2020. Talaga namang napakaganda at napaka class tignan ng sapatos na ito ni Nadine kaya naman marami talaga ang nagustuhan ito, at ayon pa nga sa ulat ay dalawang kulay mayroon ang ganitong sapatos at ito ay kulay Black at Beige na kung saan ay parehong meron ang aktres na si Nadine Lustre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *