Sarah Geronimo Inamin Na Dalawang Dekada Bago Niya Na Handle At Mamanage Ang Perang Kanyang Pinaghirapan

Si Sarah Geronimo, ay isa sa mga pinaka-popular at pinakasikat na mang-aawit ngayon. Dahil nga sa kanyang husay sa pagiging isang mang-aawit ay tinagurian siyang Popstar Royalty sa showbiz.




Maliban sa pagiging isang mahusay na mang-aawit, ay popular rin si Sarah bilang isang mahusay na aktres, at endorser ng mga iba’t ibang kilalang produkto, kaya naman talagang hindi maikakaila na sa halos dalawang dekada niya sa showbiz, ay isa na siya sa mga artista na mayroong pinakamalaking kinikita.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Samantala, marami naman ang nakababatid sa atin, na mula ng sumabak si sarah sa showbiz, ay talaga namang ang kanyang ina na si Mommy Divine na ang naka-agapay at naka-alalay sa kanya.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Kaya naman si Mommy Divine rin ang humahawak ng perang kinikita ng singer-actress, mula ng ito ay magsimula sa showbiz. Ngunit lahat nga naman tayo ay darating sa punto ng buhay natin, na nanaisin rin natin na mahawakan at ma-manage ang sarili nating kinikita na mula sa ating pagpapahalaga sa trabaho.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Matapos nga ang mahabang panahon na si Mommy Divine ang humahawak ng pera ni Sarah G., ay nabigyan na ng pagkakataon ang singer-actress na mai-handle at ma-manage ang kanyang sariling pera, ito ay matapos niyang magkaroon na ng sariling buhay, ng siya ay nag desisyon na magpakasal sa kanyang nobyo na actor na si Matteo Guidicelli.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Nito nga lamang nakaraan, ay nakapanayam ng press si Popstar Royalty Sarah Geronimo, kung saan ay ibinahagi ni Sarah, na mula ng siya ay mag-asawa ay natutunan na niyang i-manage ang kanyang sariling pera. “To be honest, na-expedite ‘yung adulting ko.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget how to invest.” Ayon nga kay Sarah, ay tila mapabilis ang kanyang pagtanda, ito ay dahil mula ng siya ang humawak ng kanyang sariling perang kinikita ay marami siyang natutunan, at ilan nga sa mga ito ay ang pagkatuto niya kung paano ang i-budget ang kanyang pera, at ang i-invest ito sa negosyo para mas lumaki pa.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Kahit naman nagkaroon ng lamat ang relasyon ni Sarah sa kanyang ina na si Mommy Divine, dahil sa naganap na kontrobersyal noong kanyang kasal, ay hindi pa rin nawala ang respeto at pagmamahal ni Popstar Royalty sa kanyang ina.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Para nga kay Sarah, ay malaki ang pasasalamat niya sa kanyang ina, ito ay dahil sa batid niya na gagawin nito ang lahat para sa kanilang pamilya. “Ang mama ko po talaga, kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya, para lang hindi maisturbo ang mga anak niya.

Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natutunan ko na lahat, with the help of my husband.” Inamin rin ni Sarah, na sa maraming taon, ay talaga namang nasanay siya na nakadepende siya sa kanyang mga magulang na si Mommy Divine at Daddy Delfin, ngunit ngayon na siya’y mayroon ng asawa ay iba na ang kanyang priyoridad at ito nga ay ang kanyang buhay may-asawa at ang bubuuin nilang sarili at masayang pamilya.

“I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama at daddy. I keep reminding myself now na hindi na ako single.

I have to accept na hindi na ako single.” “Iba na ang priority ko sa buhay, my priority now is my husband kasi yun ang reality ng buhay ng pag-aasawa, na ang priority na is your husband and the family that you will build with your husband.”




Ayon pa nga kay Sarah, ngayong siya ay mayroon ng asawa, ay talaga namang lagi niya itong ipina-aalala sa kanyang sarili, ito ay dahil sa lumaki nga siyang dependent sa kanyang mga magulang, at ngayon ay iba na nga ang kanyang buhay, dahil siya’y may asawa na.

At ngayon nga na si Sarah na ang humahawak ng kanyang sariling pera, ay mas natututunan na niya ang pag-h seeandle nito, at tamang pag-gamit nito sa tulong na din ng kanyang asawang si Matteo, na nakikita naman natin kung gaano siya kamahal at sinusuportahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *