Sarah Geronimo Marami Ng Alam Na Gawaing Bahay Kabilang Na Ang Paglalaba, Pamamalantsa At Pagluluto

Mag-iisang taon na nang ikasal ang celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. At sa isang taon na ngang pagsasama ng dalawa bilang mag-asawa, ay makikita kung gaano na-eenjoy ng misis ng si Sarah, ang pagiging isang wifey ng kanyang napaka-gwapong asawang si Matteo.




Mula umano magsama bilang mag-asawa sina Sarah at Matteo, ay mas marami ng natutunan sa mga gawaing bahay ang Popstar Royalty.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Hands-on wife naman na kung ituring ni Sarah G, ang kanyang sarili bilang misis ni Matteo. Ito ay dahil ayon sa singer-actress, ay siya mismo ang gumagawa ng ilan sa mga gawaing bahay, tulad na lamang nga ng pag-maintain ng kalinisan ng kanilang tahanan, at siyempre ang maipagluto ng masasarap at masusustansyang pagkain ang kanyang mister na si Matteo.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Sa naging pakikipagchikahan nga ni Sarah kay Dra. Vicki Belo sa 2-part vlog ng celebrity doctor na tungkol sa married life, ay ibinahagi ng Kapamilya singer-actress na pwedeng-pwede na siya mag-apply bilang all around kasamabahay. Ito ay dahil nga sa napakarami na niyang natutunan na mga gawaing bahay, mula ng siya’y mag-asawa.

Photo Credit: isgfan/Instagram

“Puwedeng-puwede na po akong mamasukan dito”, ang naging pabiro ngang sabi ni Sarah kay Dra. Vicki Belo. Tinanong naman ng celebrity doctor si Sarah, kung ano-ano na nga ba ang mga gawaing bahay na na-master niya. At ito nga ang naging kasagutan ng Popstar Royalty;

Photo Credit: isgfan/Instagram

“Maglaba, magplantsa, magluto, tagalinis, pampaligo ng aso, mga ganyan” ani Sarah.
Ibinahagi naman ni Sarah, na isa sa mga paborito niyang tambayan sa loob ng kanilang bahay ni Matteo, ay ang kanilang kitchen. Ito ay dahil sa nag-eenjoy na siya ngayon sa pagluluto, at maging sa pagbe-bake. Ayon pa nga sa Kapamilya singer-actress, mahilig siyang mag-imbento ng iba’t ibang mga luto.

Photo Credit: isgfan/Instagram

Sa ngayon nga ay naninirahan sina Matteo at Sarah sa bago nilang tirahan, at ito ay ibinahagi ni Sarah sa part 1 ng vlog ni Vicki Belo. Ayon nga sa Popstar Royalty, nagustuhan nila nag baging bahay nilang ito, dahil sa narito ang pangarap nilang malawak na outdoor space.

Kinumpirma naman ni Sarah, na inuupahan lang nila ng asawang aktor ang bahay na tinitirhan nila ngayon. “Mas mentally healthy for us na may outdoor talaga, may garden”, sey nga ng singer-actress.

Maliban pa nga sa pagbabahagi ng mga ka-alaman niya na ngayon sa gawaing bahay, ay ibinahagi rin ni Sarah sa isa pang bahagi ng video na pagdating sa isang relasyon, ay talagang may pagka-emosyonal siya,. ‘Yung tipong madalas niyang hinahanap yung “validation” kung mahal ba talaga siya ng partner niya.




Dagdag pa nga ni Sarah, ng tanungin siya patungkol sa maturity level nilang mag-asawa, ay sinabi nito na kahit na magka-iba ang maturity nila ni Matteo, ay hindi naman ito nakaka-apekto sa relasyon nila.

“Hindi naman po. Iyong maturity namin, magkaiba. May mga bagay na mature siya, ako, immature. Tapos feeling ko, mas mature ako sa bagay na ‘to, tapos siya, malapit na.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *