Sarah Lahbati At Richard Gutierrez Nag Bakasyon Sa Boracay Kasama Ang Kanilang Anak

Tuwing araw ng Pasko, isa sa mga nakasanayan ng marami sa atin, ay ang ipagdiwang ito kasama ang ating buong pamilya, dahil iba nga naman ang dulot na saya kapag buo ang pamilya na nagdiriwang ng kapaskuhan.




Kadalasan ay ipinagdiriwang natin ang espesyal na araw na ito sa loob lamang ng ating tahanan, at doon ay nagbobonding kasama ang ating buong pamilya. Ngunit may ilan naman, na mas pinipili na magbakasyon sa ibang lugar, upang doon ipagdiwang ang kapaskuha, kasabay ng magagandang tanawin na kanilang nasisilayan.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Isa nga sa mga halimbawa nito ay ang celebrity couple na si Sarah Lahbati at Richard Gutierrez kasama ang kanilang mga anak na sina Zion at Kai, na kung saan ay mas pinili na ipagdiwang ang Pasko, sa napakagandang Isla ng Boracay.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Ayon nga sa naging ulat, bago pa man sumapit ang araw ng Pasko, ay lumipad na patungong Isla ng Boracaya ang pamilya ni Richard Gutierrez, dahil sa doon nga nila nais ipagdiwang ang kapaskuhan.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Panandalian man ang bakasyon na ito ng mag-anak, ay tila naging paraan naman ito nina Richard at Sarah, na makapagpahinga at makapag-relaks din saglit sa kanilang trabaho o mga pinagkaka-abalahan.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Sa kani-kanila ngang Instagram account, ay masayang ibinahagi ng mag-asawang Sarah at Richard, ang kanilang mga larawan at video, na kuha sa naging kaganapan ng masaya nilang bakasyon sa Boracay.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Makikita nga sa mga larawan at video na ibinahagi ng celebrity couples, na enjoy na enjoy sila sa kanilang naging bakasyon, kung saan iba’t ibang mga activity ang kanilang ginawa. Ang ibang mga larawan pa nga ay nagpakita ng sobrang ka-sweetan nina Sarah at Richard sa isa’t isa.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Mapapansin naman sa mga larawan ni Sarah Lahbati, na tila ito’y isang dalaga pa rin at walang mga anak, dahil sa napakaganda, at talagang napaka-seksi pa rin nito, lalo na sa kanyang suot suot na swimsuit.

Photo Credit: richardgutz/Instagram

Kalakip naman ng mga larawan na ibinahagi ni Sarah sa kanyang IG, ay ang naging pagbabahagi rin niya ng caption, kung saan ay sinabi niyang walang kasing saya ang magbakasyon kasama ang pamilya, lalo na kung matagal tagal niyo itong hindi nagawa.

“After so many times of being away from each other, for more than a month, working away from each other, online home schooling and just 2020… Feeling grateful and blessed to be able to spend much needed quality time together in the sun with my love.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Richard Gutierrez (@richardgutz)

Idinagdag pa ng aktres sa kanyang pos, kung gaano siya nagpapasalamat sa kanyang butihing asawang si Richard Gutierrez t kung gaano niya ito kamahal.
“I love you, mon amour. Thank you for all the sacrifice and everything that you do for Zion, Kai & I.”




Base naman sa ibang mga post ng mag-asawang Sarah at Richard, ay kasama rin nila sa naging mabilisan at enjoy na bakasyon nilang ito ang kambal ni Richard na si Raymond, ang nakatatandang kapatid nito na si Ruffa Gutierrez, at ang anak na panganay ni Ruffa na si Lorin Bektas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *