Sarah Lahbati Masayang Inanunsyo Ang Pagkakaroon Ng “Baby Girl” Sa Kanilang Pamilya

Ikinagulat ng marami, ang naging caption ng aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang social media account, kung saan ay ibinahagi niya na ang kanilang pamilya ay may bagong miyembro, at ito nga ay ang kanilang ‘baby girl’.




Sa Instagram ni Sarah ay nagbahagi siya ng larawan nilang magpapamilya, kung saan ay tinakpan niya ito ng caption na;

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

“Our family is growing, and we’re happy to announce that we have a new baby girl”, ang naging saad nga ng aktres.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Dahil sa caption na ito ng aktres, ay marami ang nag-akala na nagdadalang-tao itong mui. At ang iba pa nga nilang mga kakilala at mga tagahanga ay ginagawa pa siyang batiin, sa pag-aakalang bagong anak na ng mga ito ang tinutukoy ng aktres.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Ngunit na-prank ang maraming mga netizens at maging mga kapwa artista, ng malaman na ang bagong baby girl pala na sinasabi ni Sarah sa kanyang post, ay ang kanilang bagong aso na kasama nila sa isang larawan nila na kanilang ibinahagi.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Maging ang sis-in-law ni Sarah na si Ruffa Gutierrez, ay inakala din na totoo ngang buntis na muli ito.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

“Kalokaaaa, I thought you were pregnant again!”, ang naging saad ng ani Ruffa.
“Omg, I [email protected] and thought you were announcing something else. She’s a cutie!”, saad naman ni Camille Co.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Isang female French bulldog ang tinutukoy ni Sarah Lahbati sa kanyang post na bagong baby girl ng kanilang pamilya, kung saan ay talagang pamilya ang turing nila dito dahil sa kasiyahan at aliw na hatid nito sa kanila.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram

Ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ay mayroong dalawang anak na lalaki, na sina Zion at Kai. Si Sion ay ipinanganak noong taong 2013, at una siyang ipinakilala sa publiko, sa family reality show na “It Takes Gutz to be Gutierrez?”.

Photo Credit: sarahlahbati/Instagram




Ang bunsong anak naman ng mag-asawa na si Baby Kai, ay ipinanganak noong 2018.
Makikita nga sa larawan ng pamilya nina Richard at Sarah ang isang masayang pamilya, lalo pa ngayon na may panibagong miyembro ito, na isa sa mga nagbibigay aliw at kasiyahan sa bawat isa sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *