Scottie Thompson Ng Brgy Ginebra Ipinasilip Ang Kanyang Pinaghirapang Tahanan

Isa sa mga kinahihiligan at tinatangkilik na laro ng mga Pinoy ay ang larong basketball. Kaya naman marami sa atin ay talaga namang masugid na taga-suporta at tagahanga ng iba’t ibang mahuhusay na kupunan na naglalaro sa Philippine Basketball Team (PBA).



Tiyak marami sa atin ang nakakakilala sa mahusay na basketbolistang si Scottie Thompson o Earl Scottie Thompson sa tunay na buhay.
Image Credit via Google
Si Scottie Thompson, ay kilala bilang isang mahusay na manlalaro ng PBA, kung saan siya ay kabilang sa kupunan ng Brgy. Ginebra San Miguel.
Image Credit via Google
Ayon sa ilang mga ulat,bata pa lamang si Scottie ng kahiligan niya ang paglalaro ng basketball, at ang hilig niya ngang ito ay nadala at nahasa pa niya hanggang sa kanyang paglaki.
Image Credit via Google
Nagsimulang maglaro ng basketball si Scottie noong siya ay high school, at ng tumuntong siya sa kolehiyo,ay mas lalo pa niyang ipinakita ang kanyang husay at galing sa basketball kaya naman hindi naging imposible sa kanya ang mapabilang sa basketball team ng University of Perpetual, kung saan siya ang-aaral at nakakuha ng scholarship.
Image Credit via Google
Namayagpag pa lalo ang karera ni Scottie sa basketball ng siya ay maging kalahok at ilaban sa sa NCAA, at dito nga niya nakuha sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang naging parangal na “Most Valuable Player” ng NCAA taong 2014.
Image Credit via Google
Samantala, naging ganap na manlalaro naman ng PBA si Scottie noong taong 2015, at napabilang nga siya sa kupunan ng Brgy. Ginebra San Miguel.
Image Credit via Google
Dahil sa patuloy na pinapatunayan ni Scottie ang kanilang husay sa basketball, ay muli niyang nakamit ang parangal na “Most Valuable Player”, at sa pagkakataong ito ay sa PBA 2018 Commissioner’s Cup na.



Isa rin si Scottie sa mga manlalaro ng basketball na napabilang sa Sinag Philippines team, kung saan ay nagwagi ang koponan ng gold medals sa Southeast Asian Games at SEABA Championship noong taong 2015.
Image Credit via Google
Sa mga narating ni Scottie bilang isang mahusay na manlalaro ng basketball, ay hindi na nga kataka-taka na ang lahat ng kanyang mga pangarap sa buhay ay kanya ng maisakatuparan, at isa na nga sa mga ito ay ang kanyang naipundar na bahay at lupa, na ayon sa kanya ay naging bunga ng kanyang pagod at hirap.
Image Credit via Google
Dahil naman sa pagkakaroon ng community quarantine, ay naging libangan na rin ni Scottie ang pagba-vlogging.
Image Credit via Google
Noon ngang ika-14 ng Setyembre 2020, ay nagbahagi si Scottie sa kanyang YouTube channel ng house tour vlog sa kanyang tahanan, kung saan ay proud niyang ipinakita sa kanyang mga tagahanga at taga-suporta ang bawat parte at bahagi ng kanyang napakagandang tahanan.
Una ngang ipinakita ni Scottie ang ikalawang palapag ng kanilang tahanan, kung saan sap ag-akyat pa lamang ng hagdan ay kapansin-pansin na ang mga Jersey na naka-frame, at ayon nga kay Scottie, ang mga jersey na ito ay sobra niyang pinapahalagahan dahil ang mga ito ang kanyang suot noong siya ay makakuha ng parangal.
Matatagpuan nga sa ikalawang palapag ng tahanan ni Scottie ang mga silid-tulugan, kung saan ito ay apat, at kabilang na nga sa mga ito ang pinaka-malaking silid o tinatawag na Master’s bedroom.
Ayon kay Scottie, ang dalawang silid ay nakalaan para sa magiging anak nila ng kanyang girlfriend na si Pau Fajardo. Ngunit ngayon na wala pa naman silang anak, ay naging guest room muna ito, sa tuwing may bibisita sa kanila na kapamilya o kaibigan.
Ipinasilip rin ni Scottie ang master’s bedroom, kung saan dito sila natutulog ng kanyang kasintahang si Pau. Dito rin makikita ang open-closet ni Scottie, na ayon sa basketbolista, hindi na niya pinalagyan pa ng sara o pinto ang kanyang closet, dahil sa madalas naman niyang nakakalimutan ang pagsasara nito.
Maging ang girlfriend ni Scottie na si Pau, ay mayroon ring sariling walk-in closet sa nasabing silid, at ito ay makikita sa may patungo sa bathroom area ng master’s bedroom. Ipinakita rin ni Scottie ang bathroom ng kanilang silid, kung saan ito ay may temang ginto, dahil sa isa umano ito sa kinahihiligang kulay ng kanyang girlfriend.
https://www.youtube.com/watch?v=P5UicIXDt_U&feature=emb_logo
Ipinakita rin ng basketbolista ang kanyang mga koleksiyon ng iba’t ibang mga mamahaling mga sapatos at sombrero na maayos na nakasalansan, kung saan ayon sa kanya marami sa mga ito ay mula sa kanyang mga sponsor’s at ang iba naman ay ibinigay sa kanya ng kanyang kasintahan.



Sa ngayon, ay part 1 lang muna ang naging house tour ni Scottie, at ito lang muna ang kanyang ipinakita, ngunit ayon sa kanya ay magkakaroon pa ng part 2 ang kanyang house tour vlog, at ito ang dapat abangan ng kanyang mga tagasuporta, dahil sa ipapasilip niya ang kanyang mga mancave at iba pang parte ng kanyang tahanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *