Security Guard Nagtitiis Mag Ulam ng Chichirya Makapag Padala Lamang Ng Malaking Halaga Para Sa Pag-Aaral Ng Kanyang Mga Anak

Ang trabaho ng isang security guard ay isa sa mga masasabi natin na mahirap at delikadong trabaho. Ito ay dahil sa ganitong uri ng trabaho ay may mga pagkakataon nga na kinakailangan mong itaya ang buhay mo para lamang bigyang proteksyon ang establisyamentong iyong pinagtatrabahuhan.




Batid natin na tulad ng iba, ay marami rin sa mga security guard ang breadwinner ng kanilang pamilya, lalo na nga kung ito ay may anak ng nakapag-aral o sinu sustentuhan.

Image Credit via Google

Samantala, ang iba nga sa mga security guard ay ginagawa ang lahat ng pagtitipid na kanilang malalaman para lamang sila ay makapag padala ng malaking halaga sa kanilang pamilya.

Image Credit via Google

At nito nga lamang nakaraan, ay isa ngang security guard ang nag-viral dahil nsa nakakaantig na ginagawa nito para lamang sa kanyang pamilya na nasa probinsya.

Image Credit via Google

Kumalat nga sa social media ang larawan ng isang security guard na kamakailan lamang ay namataan ng isang netizens na kumakain at ang iniuulam nga nito ay ang “Ding Dong” na chitchiria. Kung saan ayon nga dito, ay ito na ang kanyang ulam sa kanyang tanghalian at hapunan.

Base sa naging ulat, ang larawan nga ng naturang security guard ay kinunan at ibinahagi ng netizen na si Ralph Reymond Hermano Getanes. Sa naging paglalahad nga niya, ay tinanong niya umano ang security guard kung bakit chitchiria lamang ang ulam nito, at agad nga siya nitong sinagot na marami umano itong sinusuportahan sa probinsya nila sa Cotabato City kaya naman nagtitipid ito.

Dagdag pa nga ni Ralph, ay sinabi niya dito na baka ito’y magkasakit dahil sa ulam nitong chitchiria, ngunit ang naging sagot nga nito na tila naluluha ay sanay na umano ito sa ganung ulam.

Napag-alaman rin ni Ralph na kaya todo tipid ang security guard ay dahil kinakailangan na malaki ng halaga ang maipadala niya sa kanyang pamilya dahil mayroon siyang mga anak na pinapag-aral. Dagdag pa nito, magiging maayos rin naman ang kanyang buhay, kapag napagtapos na niya ang kanyang mga anak sa kolehiyo.

Talaga namang nagpa-antig sa puso ng maraming mga netizens ang larawan na ito ng security guard. Kung saan matapos nga nilang malaman ang kuwento nito, ay saka nila na-realize ang mga ginagawang sakripisyo ng kanilang mga magulang dahil sa ito nga ang ginagawa ng security guard para sa kanyang mga anak.




Hinangaan din ng marami ang hindi pagiging makasarili ng security guard, dahil maging ang kanyang kalusugan ay halos hindi niya na iniintindi basta makapagpadala lamang siya ng malaking halaga sa kanyang pamilya.

Hindi na nga baleng mag-ulam siya lagi ng chitchiria, basta alam niya na maayos ang kanyang pamilya at kumakain ang mga ito ng masarap. Naniniwala nga ang security guard na ito na balang araw ay giginhawa rin ang kanyang buhay, lalo’t ang kanyang mga anak ang nagbibigay pag-asa sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *