Seenzoned Ang Mensahe Ni Sunshine Cruz Kay Chuckie Dreyfus Upang Linawin Ang Sinabi Nito Na Nagkaroon Sila Ng Relasyon

Isang mensahe ang inilabas ng aktres na si Sunshine Cruz, ito ay matapos siyang i-seen zoned ni Chuckie Dreyfus sa mensahe niya dito na walang katotohanan ang sinabi nito na nagkaroon sila ng relasyong dalawa noon. “I was seen zoned, and I am not a Liar.”




, ang naging pahayag ng aktres. Nagsimula nga ang usaping ito, ng maging guest si Chuckie Dreyfus sa “Bawal Judgemental” segment ng Eat Bulaga noong March 14, kung saan ay sinabi nito na naging karelasyon niya ang aktres na si Sunshine Cruz ng halos 6-7 buwan, na mariin namang itinanggi ng aktres.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Mariin nga ang naging pagtanggi ni Sunshine Cruz, sa sinabi ni Chuckie Dreyfus na nagkaroon umano sila ng relasyon na halos nasa anim o pitong buwan. Ayon pa sa aktres ang binitawang ito ni Chuckie ay nagdulot ng pagkalito, at pagtatanong ng kanyang mga anak at mga kaibigan sa kanya.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

“Few months ago, sinabi niya na naging girlfriend niya ako on national Tv for 6-7 months (not sure daw siya basta naging girlfriend niya daw ako) na ikinagulat ko, ng mga anak ko, ng pamilya ko, at mga kasamahan ko sa That’s Entertainment.”

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

Ayon nga sa aktres ay sinubukan nitong makipag-usap kay Chuckie sa tulong ng ilang niyang mga kasamahan sa That’s Entertainment upang linawain umano ang sinabi nito sa national TV, ngunit hindi umano pinapansin ng aktor ang mensahe niya para rito.

Photo Credit: sunshinecruz718/Instagram

“I tried to reach him through some members of That’s Entertainment and also messaged sa chat group namin which he “seenzoned” and now his camp also denied this sa article na ito that was sent to me…

Image Credit via Google

” Samantala, ayon naman sa kampo ni Chuckie Dreyfus ay wala umanong natatanggap na mensahe ang dating aktor mula kay Sunshine, at maging ito ay sinabi rin na hindi niya iniiwasan ang nasabing actress.

Image Credit via Google

Ngunit upang patunayan na nagsasabi siya ng totoo, ay naging handa naman ang aktres sa mga ito kaya naman inilabas niya sa kanyang social media account ang screenshot na nagpapatunay na nagpadala siya ng mensahe kay Chuckie na sineen lamang nito. ”

Image Credit via Google

I don’t know what I have done to you or to your family to deserve this.” “Again, galit ako sa mga sinungaling at fake news, di ba?” “Pero dahil naging bold star/sexy star ako? dapat sinakyan ko, ang arte ko daw, gwapo naman at hayaan na lang dapat.”

“Ganun ba yun, kahit hindi totoo ang ipinangangalandakan sa TV, okey lang sa inyo na nagkalat ng kasinungalingan dahil sa trabaho ko noon.”

Ibinahagi nga ni Sunshine sa kanyang mensahe ang mga hindi magandang bagay na ginawa ng kampo ni Chuckie sa kanya, inilabas rin niya ang nararamdaman niya bilang isang babae at ina, sa mga taong agad hinuhusgahan siya dahil sa naging trabaho niya noon.

May ilan nga rin umanong mga netizens ang humusga sa aktres, dahil sa naging reaksyon niyang ito sa ginawa sa kanya ni Chuckie Dreyfus. “Surprisingly mga babae o nanay pa, ang huhusga sa akin.”

“Mga anak nga natin ayaw nating magsinungalaing, pero sa parteng ito, okey lang?” Ayon nga sa aktres, hindi niya deserve ang mga ganitong ginagawa sa kanya, dahil ilang taon na rin umano siyang tahimik na namumuhay bilang isang single mother sa kanyang mga anak, tapos bigla na lamang may maglalabas ng ganito na wala namang katotohanan.

“I do not deserve that dahil nanahimik akong nagtatrabaho, at nakafocus sa aking pamilya then after more than 20 years bigla na lang may lalabas na tao at ipagsisigawan na isa ako sa mga 10 niyang naging girlfriends.”




Dagdag pa nga ng aktres at mensahe rin nito para kay Chuckie, kung may balak man ito bumalik sa showbiz, maging maayos nawa ang pamamaraan nito at huwag na mandamay pa ng ibang tao na tahimik na namumuhay at nagtatrabaho.

“Mr. Chuckie Dreyfus, if you have plans to comeback, gawin mo ng tama at wag ka mandamay ng iba na ang hangarin lang ay makapagprovide bilang isang single mom.” Matapos nga ang naging pahayag na ito ng aktres, ay sinabi rin nito na ito na umano ang huli niyang maging pahayag tungkol sa usaping ito at kay Chuckie Dreyfus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *