Sexy Actress Ina Raymundo Masaya Sa Kanyang Buhay May Asawa

Ilan na sa ating mga kilalang artista sa industriya ng showbiz ang ninais ng lumagay sa tahimik at magsimulang bumuo ng kanilang pamilya.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram




Ang iba sa kanila ay mas piniling iwanan ang mundo ng showbiz upang maging pribado ang buhay at mas pagtuunan ng pansin ang kanilang pamilya, ngunit may iba naman na pinili pa ring manatili sa industriya at pag-arte ng hindi napapabayaan ang pamilya at napapanatili pa rin ang magandang samahan sa buong pamilya.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Isa sa mga artistang bumuo ng pamilya ngunit nagpatuloy sa industriya ng showbiz ay ang dating sexy actress na si Rinna Marie Padilla Raymundo o mas kilala nating lahat bilang si Ina Raymundo.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Si Ina Raymundo ay kinilala noon bilang isa sa mga sexy at pinakamagandang aktres sa industriya ng showbiz. Ng siya ay magdesisyon na mag-asawa at bumuo na ng sariling pamilya ay hindi naman tuluyang iniwanan ng nasabing aktres ang pag-aartista sa kabila ng nito ay hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang karera bilang isang aktres at hindi pa rin kumukupas ang kanyang bituin bilang isang magaling na artista.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Ngayon nga ay 17-taon ng kasal ang aktres sa kanyang asawa at marami ang humahanga sa kanya at nagtatanong kung paano niya napapanatili ang magandang samahan nila ng kanyang asawa sa kabila ng hindi niya pag-iwan sa kanyang karera bilang artista.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Napapanatili rin ng mag-asawa ang tamis ng kanilang pag-iibigan kahit pa nga ba ilang taon na ang lumipas mula ng sila ay magsimulang magmahalan at maging mag-asawa.
Sa isang panayam sa aktres ay ibinahagi nito kung paanong mas tumibay ang kanilang pagsasama at pagmamahal sa pamamagitan ng tiwala sa isa’t-isa.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Ibinahagi din niya kung gaano siya kaswerte sa kanyang asawa sapagkat ito ang tipo ng lalaki na mapagmahal ng sobra at tapat sa kanyang pamilya at hindi man lang nito naisip na maghanap ng iba.

Photo Credit: inaraymundo95/Instagram

Ayon pa kay Ina ang isang lalaki ay maging lapitin lamang ng babae kung ito ay isang flirt.
“Magiging lapitin ka lang ng babae kapag flirt ka”, saad ng aktres.
Para rin umano sa aktres ay si Brian talaga ang lalaking kanyang pinangarap maging asawa.
“Yung asawa ko, siya yung man of my dreams ko”, ayon pa sa aktres.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang aktres sa kanyang karera, at nitong nakaraan nga lamang ay ipinalabas ang isang Horror Film Movie na “Block Z” na kung saan ay kabilang siya sa mga karakter na mapapanood dito.




Masaya din ang aktres sa kanyang pamilya lalo’t napapanatili niya ang magandang relasyon niya hindi lang sa kanyang asawa maging sa kanyang mga anak na sina Erika, Jacob, Mikaela, Anika at Minka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *