Shaina Magdayao At Piolo Pascual Pumunta Ng France

Hindi biro ang maging isang artista lalo pa at sikat ka na dahil lahat ng galaw mo ay tinitingnan ng mga tao at ng media. Siyempre, maaari ka ring mapasok sa iba’t-ibang kontrobersiya at isyu. Aalamin rin ng mga tao ang bawat pangyayari sa iyong buhay lalo pa at kung tungkol sa iyong love life. Gayunpaman, ito ang hindi maiiwasan bahagi ng landas na pinasok ng isang artista.

Photo Credit: @shaina_magdayao/Instagram




Nitong nakaraan lamang, napagalaman ng mga media na magkasama palang pumunta sa Cannes si Piolo Pascual at Shaina Magdayao. Matatanda Ang matagal nang nalink ang dalawa sa isa’t-isa ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring impormasyon sa totoong estado ng dalawa. Ayon kay Piolo sa isang panayam sa kaniya, mayroon daw silang “great connection” ni Shaina Magdayao sa loob ng ilang taon. Dagdag pa niya, andiyan lang silang dalawa para sa isa’t-isa.

Photo Credit: @piolo_pascual/Instagram

Pumunta sila sa Cannes para kay Lav Diaz. Pero nilinaw ni Piolo na may mga kasama sila noong pumunta sila doon. Sabi pa ni Piolo, close naman daw si Shaina sa kanyang pamilya. Kasama ni Piolo noon sa Cannes ay si Joyce Bernal at ang kanyang kapatid na babae. Ayon pa kay Piolo, unang pagkakataon raw ni Shaina na makapunta sa Cannes kung kaya’t talagang nagkaroon sila ng “good time.”

Photo Credit: @shaina_magdayao/Instagram

Nang tanungin naman si Piolo kung nakahanap sila ng pag-ibig, ito ang sagot niya,
“Love has always been there.” Kasama ni Piolo nang siya ma-interview ay ang kanyang anak na si Inigo Pascual kung kaya’t hindi rin ito nakaligtas sa isyu tungkol sa kanyang ama at Shaina. Tinanong si Inigo kung boto raw ba siya kay Shaina at sinabi niyang hindi naman niya raw desisyon iyon kundi ay sa kanyang ama. Kung sino raw ang gusto ng kanyang magulang ay doon din siya masaya. Tikom naman ang bibig ni Piolo tungkol sa isyu ng panliligaw. Para sa kanya, mahirap i-define kung anong meron sa kanila.

Isiniwalat rin ni Piolo na pumunta silang France ni Shaina Magdayao kung saan doon sila nagkaroon ng personal time. Ayon sa kanya, “cruising” at dinner daw ang kanilang ginawa doon. Bagama’t ganito, naging busy pa rin silang dalawa sa France dahil kailangan pa nilang makipagkita sa iba’t-ibang mga producers. Sa ngayon, hindi pa rin kumpirmado ang totoong estado ng relasyon nina Piolo at Shaina.

Video Credit: PEP/YouTube




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *