Sharon Cuneta Naging Personal Chef Ang BFF Na Si Judy Ann Santos Para Sa Kanyang Mabilis Na Pag Galing

Ilang taon na nga ang nakaraan ng magtrabaho sa pelikulang “Magkapatid” si Megastar Sharon Cuneta at Primetime Queen Judy Ann Santos – Agoncillo, kung saan sa pagsasama ng bilang ito nabuo ang isang magandang pagkakaibigan kaya naman naging BFF ang dalawa.




At bilang isang BFF nga ay pinatunayan ni Mega Star na sa kahit anong bagay ay maasahan niya si Juday, matapos nga niyang ibahagi kamakailan na ito ang kanyang naging personal chef ng halos ilang araw matapos nga niyang magkaroon ng karamdaman.

Image Credit via Google

Hindi naman inilahad pa ni Sharon kung ano ang kanyang karamdaman o anu nga ba ang kondisyon ng kanyang kalusugan. Sa kanya ngang Instagram ay ibinahagi ni Sharon kung gaano siya nasiyahan ng matikman niya ang masasarap na luto ng itinuturing niyang BFF sa showbiz,

Image Credit via Google

kung saan dahil nga sa halos lahat ng kanyang paboritong pagkain ay masarap na iniluluto ni Juday ay talaga namang bumilis ang kanyang pag-galing. “Hindi po nya binebenta ito. Pero ilang araw na ako pagluluto ng kapatid kong si Juday para daw lumakas at gumaling ako agad. Tulad ng pinakamasarap na chicken curry sa mundo na gawa nya and alam nyang paborito ko.”

Image Credit via Google

Dagdag pa ni Mega Star, talaga namang lahat ng paborito nilang pagkain ay pinagbuhatan ni Juday ng effort at oras nito, para nga naman mailuto at mapakain sa kanya upang mas bumilis nga umano ang kanyang pag galing.

Image Credit via Google

“Nung isang araw naman champorado, arroz caldo at lahat na yata ng paborito ko pinagbuhusan niya ng panahon at pagod para lang sa akin. Maya’t maya tine-text niya ako. Nung isang araw magka-FaceTime kami.”

Image Credit via Google

Mababasa rin sa post na ito ni Sharon ang pagbibigay diin niya na hindi lamang matalik na magkaibigan ang turingan nila ni Juday, dahil pamilya na nga ang turingan nila.
“Iba si Juday sa puso at buhay ko.

Hanggang kabilang buhay magkasama at pagdadamayan kami. I love you with all my heart, sis. Thank you so much for taking good care of me.” Makikita naman na na komento si Juday sa post na ito ni Sharon, kung saan ay inihayag nga niya na ang tanging hangad niya ay maging maayos at bumuti na ang kondisyon nito.




Sinabi rin niya na anumang oras ay lagi siyang maasahan ng kaibigan at itinuturing nga niyang nakatatandang kapatid sa industriya ng showbiz. “Feel better soon my ate… Basta kumain ka lang, I’ll take care of you kahit hanggang sa pagkain lang muna.” “Just promise me that you will take care of yourself as well.. I love you ate… I’m just here no matter what.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *