Sharon Cuneta Sinita Ang Kanyang Anak Na Si Frankie Dahil Sa Kanyang Suot

Ang pagiging isang ina ay hindi biro. Maliban sa sila ang may responsibilidad sa pananatili ng kalinisan ng bahay at pagaasikaso ng kanilang mga anak at asawa, sila rin ang karaniwang dumidisiplina sa kanilang mga anak at sinisigurado ng lumaki ito ng maayos. Karaniwan sa mga ina ay strikto dahil na rin siguro ayaw nilang mapasama ang kanilang mga anak.

Images courtesy: frankiepangilinan/Instagram




Karamihan sa atin ay nakaranas na ng totoong pagdidisiplina ng ating mga ina tuwing tayo ay nakakagawa ng maling mga bagay. Sa murang edad ay hindi pa natin ito naiintindihan ngunit nang tayo ay lumaki ay naunawaan na natin ang ibig nilang sabihin.
Mayaman man o mahirap, pare-parehas pa rin ang mga ina. Kayang isakripisyo ang lahat para sa kanilang mga anak at maaaring maging sobrang strikto naman lalo na sa kanilang mga anak na babae.

Images courtesy: frankiepangilinan/Instagram

Katulad na lamang ng artistang si Sharon Cuneta pagdating sa kanyang anak na si Frankie Pangilinan. At bilang isang ina na nasa henerasyon kung saan mayroon nang social media at internet, ginamit niya itong oportunidad upang bantayan ang kanyang anak lalo sa mga pinopost nito.

Nito lamang ay nagtrending ang comment ni Megastar sa Instagram post ng kanyang anak na si Frankie. Nagpost ang panganay na anak ni Sharon Cuneta sa asawang si Kiko Pangilinan ng litrato kung saan makikita rito ng naka bikini lamang ito habang nasa dagat. Talaga namang may ibubuga si Frankie pagdating sa hubog ng katawan kung kaya’t nagpost siya ng kaniyang litrato sa Instagram. Ngunit bilang isang ina, naging matalas ang paningin ni Sharon at hindi niya napigilang sitahin ang kanyang anak.

“Don’t show too much, my Baba,” comment ni Sharon sa post ni Frankie.
“Baba” ang tawag ni Sharon kay Frankie. Bagama’t nasita, kumambyo naman ang ina at sinabing “looking good” daw ang anak sa litrato niya.
Maraming mga netizens ang natuwa sa comment ni Sharon dahil kahit busy sa career ay hindi nito makakalimutang maging isang ina.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *