Sheena Halili Ibinahagi Sa Publiko Ang Mga Very Cute And Adorable Photo Ng Kanyang Baby Girl Na Si Martina

Hindi lubos maisip ng aktres na si Sheena Halili na ibang-ibang pala ang kasiyahan at tuwa na kanyang madarama, ngayo na siya’y isa ng ganap na ina, sa kanyang napakagandang baby girl na si Martina.




Matatandaan na noong nakaraang taon, ika-12 ng Disyembre ng isilang ni Sheena ang baby girl nila ng kayang asawa, at ito nga ay binigyan nila ng napakagandang pangalan na ‘Martina’.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

At tulad nga ng nadarama ng karamihang mga ina, sa bawat lumilipas na araw, linggo at buwan ay mas nagbibigay saya sa buhay ngayon ng aktres, ang sa tuwina’y nakikita at inaalagaan niya ang kanyang anak.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Sa kabila nga ng hirap at pagod sa pag-aalaga ng isang sanggol, dahil sa kakulangan ng tulog, ay hindi ito alintana ng aktres, dahil mas mahalaga sa kanya, ang maibigay ang tamang pag-aalaga sa kanyang baby, at maiparamdam dito na nangingibabaw pa rin ang pagmamahal niya dito.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Makikita naman sa Instagram account ni Sheena, na mula ng siya’y maging isa ng ina, ay ang madalas ng maging laman ng kanyang IG, ay ang larawan ng kanyang baby Martina, o di kaya naman ay larawan nilang mag-ina.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Mayroon ngang larawan ang aktres na ibinahagi, kung saan ay makikita habang karga niya si baby Martina, ay mahigpit rin ang pagkakayakap niya rito. Kalakip ng larawan na ito, ay ang mensahe ng aktres, na puno ng pasasalamat at pagmamahal dahil sa pagdating ng munting anghel sa kanyang buhay.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

“Salamat anak, dahil sa magdadalawang buwan na kitang inaalagaan, sa bawat yakap, buhat at haplos ko, nakakalma kita.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Ang sarap mong pagmasdan. Ang sarap mong alagaan. Ang sarap maging mommy mo. Masaya akong nakikita kitang lumalaking malusog at protektado dahil sa aking yakap.”

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Samantala, dahil nga sa bawat minuto at oras ay kasama ni Sheena ang kanyang anak na si baby Martina, ay matutunghayan rin niya ang bawat milestone sa unti-unting paglaki nito. At halos bawat araw nga ay hindi maaaring hindi makunan ng larawan ni Sheena at ng kanyang asawa ang kanilang munting anghel.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Isa nga sa mga cute photo ni baby Martina, na ibinahagi ni Sheena sa kanyang Instagram ay ang larawan nilang mag-ina, kung saan ay makikita na sa pagse-selfie nilang dalawa, ay nakikipagsabayan rin sa posing na “labas dila” si baby Martina.

Mayroon pa ngang isang larawan na mapapansin din na tila parehong naka-kindat ang mag-ina, na talaga namang napaka-cute tingnan ng baby ni Sheena.

Kahit nga baby pa lamang si Martina, mapapansin sa mga larawan na marunong na ito magpa-cute sa harap ng camera at kaya na din magpakita ng ilang mga facial expression niya na talagang nagpapalabas pa ng kanyang taglay na kakyutan.




Dahil sa mga larawan na ito, ay maraming mga netizens ang aliw na aliw pagmasdan si baby Martina, at gigil na gigil ang mga ito sa kakyutan nito, ito nga ay base sa mga naging komento nila sa larawan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *