Sheena Halili Masaya At Makulay Ang Naging Pagdiriwang Ng Ika-34 Taon Kaarawan

Sa kabila ng mga pagsubok na kinakaharap natin ngayon, kabilang na ang patuloy na paglaganp ng krisis at krisis, ay mayroon pa rin tayong mga rason para ipagpasalamat, kabilang na dito ng patuloy nating nakakamtan na buhay at ga biyayang ating natatanggap.




Tulad na nga lamang ng naging pasasalamat ng aktres at first-mom na si Sheena Halili sa panibagong buhay na sa kanya’y ipinagkaloob, dahil panibagong taon na naman ang naidagdag ng kanyang buhay dito sa mundo.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Nito nga lamang nakaraan ay masaya at makulay na ipinagdiwang ni Sheena Halili, ang kanyang ika-34 taong gulang na kaarawan. Mas naging masaya pa ito, dahil sa pagkakataong ito, ay unang beses niyang magdiriwang ng kaarawan na siya’y isa ng ganap na mommy, kasama ang kanyang baby na si Martina Candice.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Sa kanyang Instagram account, ay masayang ibinahagi ng StartStruck Alumna, ang ilan sa mga larawan na kuha sa naging kaganapan sa pagdaraos ng kanyang kaarawan.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Sa kabila ng isa lamang itong simpleng pagdiriwang, ay makulay naman at talagang inenjoy ni Sheena ang kanyang kaarawan, dahil sa nakapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay, kahit pa nga ba ito ay sa pamamagitan lamang ng isang zoom party.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Kalakip ng mga larawan na ibinahagi ni Sheena, ay ang kanyang naging caption na punong-puno ng pasasalamat sa kanyang mga mahal sa buhay na naging parte ng masayang zoom birthday celebration niya.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

“Surprise, Thank you sa surprise bday via Zoom! Haha” “FYI: dahil alam kong hindi ako makakapag party gusto ko kahit papano may picture kami ng family ko lalo na siyempre first bday ko kasama ang aking baby Martina. Gusto ko masaya at may vibe naman ng birthday.”

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Dagdag pa ni Sheena, siya lang ang mismong nag-ayos para sa sa simpleng dekorasyon sa kanyang kaarawan, kung saan ay nagpabili siya ng mga balloons, at ang kanyang cake, ay recycled cake niya umano mula sa 1st month celebration ng kanyang baby na si Martina.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Saad pa ng aktres, dahil sa mahilig naman talaga siya mag-isip ng mga theme sa parties, ay nagawa niyang makulay ang pagdiriwang ng kanyang sariling kaarawan.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

“Sa isip ko di naman makakapaghanda ang asawa ko dahil busy siya sa work at pagod, ang mommy ko naman siyempre pagod kami sa pag-aalaga kay baby. Sanay rin kasi ako na gumagawa ng lahat at gusto ko yun.”

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

“PERO salamat sa aking asawa, family at friend s at sabay-sabay n’yo pala hinihintay ang 12mn para sa birthday ko! May hinanda pa silang cake, sash at tiara pa ‘Maraming salaman sa panibagong kaarawan Lord, good health para sa pamilya ko yan ang wish ko!”, ang naging saad ni Sheena.

Photo Credit: mysheenahalili/Instagram

Ilan sa mga kaibigan ni Sheena sa industriya ang nagpahayag ng pagbati para sa aktres, kabilang na nga rito ang kanyang kapwa celebrity mommy na si Chariz Solomon. Makikita naman na nagbahagi ang Bubble Gang at Pepito Manaloto comedian ang isang throwback photo ni Sheena na kuha sa naging bridal shower nito.




“O eeeee malay ba nating ito na ‘yung last???!!! Mabuti at naitodo!!!! Maligayang kaarawan sa nanay na single-handedly nakapagpanginig kay Cocomelon!” ang mababasang post ni Chariz. “We love you so much! Super blessed kami sa’yo , lalong-lao na ang pamilya mo. Enjoy your first birthday as a mom mareng!!!”, dagdag pa nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *