Sheryn Regis Proud Na Ibinahagi Ang Matagumpay Na Pagtatapos Sa High School Ng Kanyang Only Daughter

Ang tagumpay ng anak ay siya ring tagumpay ng magulang, kaya naman talagang sa lahat ng mga nararating at napapagtagumpayan ng mga anak na kanilang achievement sa buhay ay doble ang saya na nararamdaman ng kanilang magulang at talagang ipinagmamalkai nila ano man ang narating ng kanilang anak.




Katulad na lamang ng singer na si Sheryn Regis na nito lamang nakaraan ay ibinahagi sa kanyang social media account ang pagiging proud mom niya sa kanyang anak at kung gaano siya kasaya sa napagtagumpayan nitong achievement sa buhay, at ito nga ay ang matagumpay na pagtatapos nito sa High School.

Photo Credit via Instagram

Sa Instagram nga ni Sheryn ay makikita ang naging pagbabahagi ng singer kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang only daughter na si Lourdes Echiverri na kamakailan nga lamang y nagtapos ng High School ay may nakuha pa itong honors o parangal.

Photo Credit via Instagram

“Congratulations on your big day! We are so proud of you graduating with Highest Honors. We know without a doubt that you were made for great things. We are so proud of you Sweety. What an impressive achievement! We love you so much,” saad ni Sheryn sa kanyang IG post.

Photo Credit via Instagram

Kalakip nga ng pagbati na ito ni Sheryn sa kanyang anak ay ang mga larawan nito kung saan ay makikita nga na nakasuot ito ng blue toga at mababakas nga ang labis na kaligayahan sa mukha nito.

Photo Credit via Instagram

Mababasa naman sa comment section ang naging pagsagot ng anak ni Sheryn sa post niyang ito kung saan ay nagkomento nga ito ng simpleng “I love you, my.”
Si Lourdes Echiverri ay ang nag-iisang anak ni Shern Regis sa kanyang dating asawa na si Earl Echiverri. Matatandaan na noong nakaraang taon lamang ay umugong ang balita na hiwalay na nga ang singer sa asawa nito.

Photo Credit via Instagram

Marami naman ang nagulat ngunit nagpaabot din ng suporta sa 42 taong gulang na singer at tinaguriang “Crystal Voice of Asia” ng aminin nito sa publiko na sila ay hiwalay na ng kanyang foreign husband at kasabay nga nito ay ang pagsasapubliko din niya ng kanyang totoong sarili na siya nga umano ay lesbian.




Madami din ang nagbigay reaksyon ng aminin niya sa publiko ang relasyon sa current partner niya ngayon na si Mel de Guia, isang kilalang Youtuber at entreprenuer, ngunit sa kabila nga nito ay nakatanggap din sila ng suporta mula sa kanilang kapwa LGBTQ community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *