Si Kathryn Bernardo Pala Ang Unang Pinagkatiwalaang Kaibigan Ni Sofia Andres Kanyang Pagbubuntis

Isa sa malaking rebelasyon ngayon na pinag-usapan sa online world ay ang aktres na si Sofia Andres. Ito ay matapos aminin ng 21-taong gulang na teen actress na siya ay isa ng mommy, at ibahagi sa social media ang larawan niya kasama ang kanyang napaka-cute na baby girl.




Ang naging rebelasyon nga na ito ng aktres ay naganap noong mismong araw ng Father’s day na kung saan ay binati niya ang kanyang partner na si Daniel Miranda.

Image Credit via Google

” because I have my dad, who always has my back, my loves who love me for who I am, and now my little bundle of joy, whom I will love unconditionally and who will be my source of strength during these trying times.

Image Credit via Google

At hindi pa nga nakaka move-on ang marami niyang mga tagahanga at mga netizens sa kanyang naging rebelasyon sa pagkakaroon niya ng anak, muli namang nagbahagi si Sofia Andres ng mga larawan na kuha sa naging binyag ng kanyang baby girl na pinangalanan niyang Zoe.

Image Credit via Google

Nito ngang June 22, araw ng Lunes ay makikita sa Instagram account ng aktres ang pagbabahagi niya ng isang video footage na kuha sa binyag ng kanyang baby girl.

Image Credit via Google

Si Baby Zoe ay bininyagan na pala noong February, ilang buwan bago ideklara ang lockdown, at ito ay ginanap sa simbahan ng Santuario de San Antonio Parish sa Makati City.

Image Credit via Google

Makikita nga sa nasabing video, mung gaano ka sweet at kasaya sa isa’t isa bilang mga magulang ni Zoe ang mag-partner na Sofia Andres at Daniel Miranda.

Ilan naman sa mga piling panauhin na dumalo ng binyag ay ang mga malapit na kapamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa na tumayo bilang mga ninong at ninang ni baby Zoe.

Isa nga sa mga tumayong ninang ni baby Zoe, ay ang matalik na kaibigan ni Sofia sa showbiz at ito ay si Kathryn Bernardo, na ayon sa ilang ulat ay isa sa mga pinagkatiwalaan ng aktres na tungkol sa kanyang lihim na pagbubuntis noon. Maging ang aktres na si Bianca King, na kaibigan ni Sofia ay kabilang rin sa mga ninang ni baby Zoe.

Samatanla, makikita naman sa naging caption ni Sofia sa video ng binyag ni baby Zoe na kanyang ibinahagi kung gaano siya kasaya, dahil ngayon ay isa ganap na kristiyano ang kanyang anak at nagpasalamat rin siya sa lahat ng mga kapamilya at kaibigan niya na dumalo sa nasabing pagtitipon.

“Your true home. The Christian world welcome you, my Love. Thank you so much to all the people who’ve become part of this intimately wonderful celebration.

Maliban nga sa naging pagbabahagi ni Sofia Andres ng video na ito na kuha sa naging binyag ni baby Zoe, ay nagbahagi din ng ilang mga larawan at SDE video ng binyag ni Baby Zoe ang Nice Prints sa kanilang Instagram account, kung saan sila ang naging official photographer ng nasabing selebrasyon.




Ilang araw naman matapos ibahagi ng aktres ang video ng binyag ng kanyang baby girl, ay ibinahagi naman nito ang kauna-unahang larawan niya sa isang magazine cover bilang isang ganap na mommy ni baby Zoe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *