Isa sa mga sikat at popular na aktres noong dekada 90 si Amanda Page. Siya ay mas nakilala nga sa industriya ng showbiz dahil sa kanyang mga pelikula kung saan siya ay mayroong mga ‘daring roles’.
Ilan nga sa mga pelikula na kanyang nagawa na tumatak sa maraming mga manonood at kanyang mga tagahanga ay ang pelikulang ‘Gayuma’ at “Tatsulok’. Maliban sa pag-ganap sa mga daring roles, ay nagkaroon rin siya ng proyektong comedy films, kung saan ay nakasama niya ang ilan sa mga mahuhusay na komedyante ng showbiz na sina Andrew E., Elizabeth Ramsay at Chiquito.

Base sa naging ulat, si Amanda Page ay tubong Amerika, ngunit dahil sa parehong mga Pinoy ang kanyang mga magulang ay hindi na nga bago sa kanya ang pagsasalita ng lenggwaheng Pilipino. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi naman naging mahirap para sa kanya ang mapasok ang Philippine Showbiz Industry.

Pakiramdam noong ni Amanda habang siya’y lumalaki ay tila nasasakal siya sa kanyang mga magulang. Dahil tila nga ang mga magulang na niya ang nagpapatakbo ng kanyang buhay, at kung ano ang maging desisyon ng mga ito ay ‘yun ang kanyang dapat sundin.
Kung kaya nang magbalik Pilipinas ang kanyang Pamilya, ay kumuha nga siya ng Pre-med na kurso sa kolehiyo ito nga ay upang sumunod siya sa yapak ng kanyang ama na isang surgeon at physician.

Ngunit dahil nga sa kagustuhan niyang magawa ang mga bagay na talagang nais niya nang hindi siya konokontrol ng kanyang mga magulang, ay nagawang tumigil ni Amanda sa kanyang pag-aaral at naisipan nga niyang pasukin ang mundo ng pag-aartista.

Sa una ay naging mahirap para sa kanyang mga magulang na tanggapin ang naging desisyon ni Amanda na talikuran ang pag-aaral para mag-showbiz, ngunit sa huli ay nagawa naman ng mga ito na suportahan na lamang ang kanyang desisyon at kagustuhan.
Halos ilang taon din ang itinakbo ng karera ni Amanda Page sa showbiz, kaya naman noong taong 2000 ng siya ay magdesisyon na iwan na ang pag-aartista at marami sa kanyang mga tagahanga ang talaga namang nalungkot.

Ayon nga kay Amanda tila hindi para sa kanya ang pag-aartista, kaya naman mas pinili na lamang niyang manirahan sa ibang bansa kasama ang kanyang napangasawang doktor na si Lee Mendiola. Sa Ventura, California ay nagtayo ang mag-asawa ng kanilang sariling psychiatry clinic, kung saan si Amanda nga ang siyang katuwang ng kanyang asawa sa pamamalakad ng negosyo nilang ito.

Sa ngayon nga ay masaya na ang buhay ni Amanda Page sa nasabing bansa. At maliban nga sa pagiging katuwang niya ng kanyang asawa sa kanilang negosyo, ay abala rin ang dating aktres sa pag-aaikaso at pag-aaruga sa kanilang anak na lalaki, lalo na ngayon na ito ay naka-home schooling. Mula nga ng isinilang ni Amanda ang kanyang anak, ay happy and contended na siya at hindi na nga inisip pang bumalik sa showbiz.