Sikat Na Child Actress Noon Na Si Serena Dalrymple Ipinakilala Na Ang Kanyang Fiancée

Tunay ngang ang tadhana ay iba gumawa ng paraan upang magkatagpo ang dalawang taong nakatadhana para sa isa’t isa. May ibang mga couples na nagkakilala sa mga lugar na madalas nilang puntahan, may iba naman na bata pa lamang ay magkaibigan na at sila pala ang magkakatuluyan sa kanilang pagtanda, at mayroon naman na iba na ang kanilang ‘The One’ ay nakilala sa online kung saan talaga namang sa una ay estranghero sila sa isa’t isa.




Nakakabilib nga kapag mismong destiny na ang gumawa ng pararaan para magkatagpo kayo ng taong makakasama mo habang buhay, kaya naman ganito na lang ang pagkamangha ng dating child star na si Sirena Dalrymple na sa isang online dating apps pala niya makikilala ang ngayon ay fiancée na niya ito nga ay dahil sa ginawa niyang pag-random swipe.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Matatandaan na si Sirena Dalrymple ay isa sa mga pinakasikat na child actress noong kanyang henerasyon, at hindi maikakaila na nang siya nga ay magdesisyon na tuluyan ng lisanin ang lokal na industriya ng showbiz ay tunay na marami sa kanyang mga tagahanga ang nalungkot.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Matapos ngang iwan ni Sirena ang kanyang career dito sa Pilipinas bilang isang artista, ay halos wala na ngang nabalitaan sa kanya ang mga tagahanga, hanggang sa maging aktibo nga siya sa social media at dito na nga muling nakakuha ng update sa kanyang buhay ang mga fans niya noon. Napag-alaman nga ng mga ito na ngayon ay naninirahan na ang idolo nila sa bansang Amerika at talaga namang marami na din ang nagbago sa buhay nito.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Ayon nga sa mga nakalap patungkol sa buhay ngayon ng dating child star, napag-alaman nga na ngayon ay 31-taong gulang na ito at engaged na rin sa kanyang French boyfriend na kinilalang si Thomas Bredillet.

Photo Credit: sdalrymple/Instagram

Sina Sirena at Thomas ay halos 4-taon na rin ngang magkasintahan, at sila ay na-engaged noon lamang nakaraang taon ng buwan ng Hulyo matapos ngang mag-propose sa kanya ng nobyo. Sa kasalukuyan nga umano ay naghahanda na ang magkasintahan para sa nalalapit nilang kasal, na ayon nga kay Sirena ay magaganap ngayong taon.




Samantala, sa pinakabagong Instagram post ni Sirena ay ikinuwento niya kung paano nga ba sila nagkakilala ng fiancée, at ayon nga sa kanya ito ay sa pamamagitan ng isang dating app na kung tawagin ay Bumble. Muli ding nagbalaik tanaw si Sirena sa naging unang date nila ni Thomas, lalo na nga’t hindi niya inakala na ang lalaking kanya nga lamang nakilala sa Bumble dating app ay siya na pala niyang makakatuwang habang buhay.

“4 years ago today, I went out on date to meet this friend dude I matched on bumble. Who know that I’ll end up marrying this handsome smart, sweet (now) American dude this year? [red heart emoji]”, ang naging pagkukuwento ng ani Sirena.
Kalakip naman ng naturang IG post ng dating child actress ay ang larawan nila ng kanyang fiancée kung saan makikiita ngang sweet na sweet sila.

Leave a Reply

Your email address will not be published.