Sikat Na Kambal Na Anak Ni Lumen Sa Komersiyal Ng Isang Sabon Panglaba Noon Isa Ng Ganap Na Dalaga At Talaga Nga Namang Napakaganda

Naaalala nyo pa ba ng patalastas noon na “Surf”, isa sa mga sabong panlaba na tinatangkilik dito sa Pilipinas na kung saan ang wais na Misis na si Lumen ay mayroong kambal na anak na kasama niya sa nasabing patalastas.

Image Credit via Google




Ang naturang kambal sa patalastas ay sina Charlotte Andrea at Charice Andrea Hermoso.
Ilang taon na rin ang lumipas na hindi na masilayan ang mga mukha ng kambal na nakilala sa patalastas na iyon ng Surf. At nitong nakaraan nga ay ilang throwback piture ng kambal ang naging usap-usapan sa social media dahil kalakip ng nasabing throwback picture ay ang larawan naman nila ngayon sila ay mga ganap ng dalaga.

Image Credit via Google

Marami ang napaWow at namangha sa itsura na ngayon ng kambal, dahil sa lumipas na panahon na silang dalawa ay hindi na nasilayan ay ngayon silang dalawa ay ganap ng mga dilag.

Image Credit via Google

Isang Facebook user na nagngangalang Aya Ran Fujimiya ang nagbahagi ng larawan ng kambal sa Facebook Page na “Memories of Old Manila” na kung saan makikita sa larawan ang paghahambing sa dalawang karawan.

Image Credit via Google

Ang unang larawan ay larawan ng kambal noong sila ay mga bata pa at gumagawa ng commercial sa Surf, ang pangalawang larawan naman ay ang kanilang mga mukha na ngayon na sila ay mga ganap ng dalaga na parehong maganda.

Image Credit via Google

Marami sa mga netizens ang sila ay inalala at namangha sa kanyang mukha na ngayon. Ilan sa mga ito ay hindi napigilan ang magbigay ng kani-kanilang komento, at ang iba naman ay nag komento na ang dalawa ay sadyang maganda sa personal.

Image Credit via Google

Narito ang ilan sa mga naging komento ng netizens;
“Both pretty! Nasaan na kaya sila ngayon? Parang napanood ko sila before sa teledrama ng Kapuso Network.”

“Naaalala ko pa noon ang patalastas na Surf. Nakakatuwang isipin sina Lumen, Lando, Lola Obang. Talagang sumikat sila.” “Dahil sa pamilya nilang nagdala ng goodvibes, napabili at nagpagamit tuloy ako ng Surf”

Image Credit via Google

Matatandaan naman na ang kambal ay nakasama sa Kapuso Primetime na Impostora noong 2007, na kung saan silang dalawa ay gumanap bilang Lara at Sarah na mga kabataan doon nina Iza Calzado at Sunshine Dizon. Naitampok din silang dalawa sa Jessica Soho ng GMA Networks.

Image Credit via Google

Sa kabila naman ng pagiging kambal ng dalawa ay makikita ang kanilang pagkakaiba sa kanyang paglaki, sa mga instagram post nila ay makikita na ang kambal na si Charice ang fashionista at mas may hilig sa mga stylish outfits samantalang si Charlotte naman mas simple ang dating.

Image Credit via Google




Image Credit via Google

Ngayon ay busy ang kambal na pagbutihin ang kanilang pag-aaral sa University of Perpetual Help System sa Dalta, Las Pinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *