Silipin Ang 100 Uri Ng Halaman Ng “Proud Plantita” Na Si Angelica Panganiban

Nauuso nga naman ngayong panahon ng quarantine ang pagkahilig ng marami nating mga kababayan sa paghahalaman. At dahil dito ay nabuo na rin ang salitang “Platita’ at “Platito” na tawag sa mga taong halos nagongoleksiyon na nga ng iba’t ibang uri ng mga halaman sa kanilang mga tahanan.



Isa na nga sa itinuturing na “Plantita” ngayon ay ang aktres ng Kapamilya Channel na si Angelica Panganiban.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
Sa online talkshow na “I Feel U” ni Ultimate Multimedia Star host Toni Gonzaga, ay nakapanayam nito ang aktres na si Angelica Panganiban, kung saan ay ibinahagi ng aktres ang kanyang mga naging karanasan sa pagsisimula niya sa paghahalaman.
Maituturing nga na isa ng “Plantita” ngayon si Angelica, dahil ayon sa kanya, ay mayroon na siyang halos 100 mahigit na mga koleksyon ng mga halaman . Ngunit, ayon sa aktres, hindi pa umano nagkakaroon ng quarantine, ay talagang nagsimula na siyang magkaroon ng hilig sa mga halaman.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
“Feeling ko mahigit 100 na siya. Pero nag-start ako matagal na. Hindi naman siya nagstart nung quarantine. Parang nagstart siya ng paisa-isa, tapos nagandahan ako”, ang naging saad ng aktres.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
Ayon pa nga sa aktres, kakaibang pakiramdam umano ang naidudulot sa kanya ng mga tanim niyang halaman. Narerelaks, umano siya sa tuwing nakikita niya ang nagiging magandang pag-usbong ng mga ito.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
“Parang nakikita ko na napakaganda niya ang mood ko, nare-relaks ako. Nae-excite akong umuwi ng bahay. Ichecheck ko kung may mga bago ang halamang tumubo”, dagdag pa ni Angelica.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
Kwento pa ng aktres, mas lalo nga umanong dumami ang kanyang halaman sa tahanan niya, ng magkaroon ng quarantine, kung saan tila napuno na nga ng halaman ang kanyang pamamamahay.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
“Syempre nung quarantine mas napansin ko na, parang pwede pa ako maglagay ng halaman dito. So, naglagay dun… tapos wala na napuno ko na yung bahay. Puno na talaga siya.”
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
Samantala, ibinahagi rin ng aktres, na maliban sa pagiging ‘certified Plantita’ mula ng mag-quarantine, ay naging hobby rin niya ang pag-eehersisyo upang mas maging malakas at malusog ang kanyang pangangatawan.
Photo Credit: iamangelicap/Instagram
“Nag Work-out, nagyo-yoga naman. Syempre kasi kapag quarantine, ano pa bang gagawin ‘dba? Iinom nalang. So parang dun din nasukat mo ang kontrol mo na parang, ‘tama na Angge’, ok na siguro. Ilang buwan na ‘oh. Wag ka na lang din munang uminom. Napagod na lang din ako.”
Ibinahagi rin ni Angelica, na isa sa mga biggest discovery niya sa kanyang sarili, ngayong panahon ng quarantine, ang kaya naman pala niya ang mag-isa, na kahit wala siyang nakakasama sa buhay ay nakaka-survive naman umano siya.



“Natutuwa naman ako kasi parang natuto akong mag-control. Tsaka, mapapansin mo, kaya mo naman pa lang mag-isa. Okay ka naman pala, ikaw ‘yung magluluto for yourself. Nakaka-survive naman. So parang nakikita mo nga rin na, ‘okay na ako, strong na ako’.
May mga namimiss ka lang kapag nagka-kdrama pero survivor Philippines naman po ako.”
Ano ang masasabi niyo sa pagiging “certified platita” ng aktres na si Angelica Panganiban?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *